Chapter 4

24 7 0
                                    

Mula sa bintana ng kwarto ko ay lumabas ako para tumambay sa bubong nang bahay namin.

Sa harap ng bintana ng aking silid ay bubong na ang kaharap nito at maari kang lumabas at doon maupo o humiga kung gugustuhin mo.

Umupo ako pagkalabas at tinanaw ang mga kabahayan sa paligid, tumingala naman ako at namangha sa dami ng bituin ngayon.

"Ate wag kang maingay  na nandito ako ha!"pabulong na sambit ni Grace

"Oo ako bahala don't worry!Basta may dala kang snacks!Niready ko na din yung mga movies na papanuodin natin sa laptop ko!"natutuwa kong sambit habang pinapapasok sya sa kwarto ko.

Dahan dahan nyang kinuha ang bag sa likod nya at tumakbo sa kama ko at doon inalaglag ang mga pagkain mula sa bag.

Napapalakpak naman ako dahil di nya nakalimutan yung paborito ko.

"Tara na ate nakaset na naman diba ?"excited nitong pag aaya tumango naman ako kaya dumeritso papalabas ng bintana.

Napangiti ako sa alaalang yun.

She love to sneak out in her room and come to my room just to be bond with me.She never thinks na pwede syang pagalitan nina Mama at Papa.

Iloveher so much!Sana di nalang syang nawala ng maagap.

Napabuntong hininga ako at dahan dahang nahiga at nag star gazing.Napakaganda ng mga bituin sa  langit dumarampi din ang malamig na hangin sa aking balat.

Dahan dahan kong ipinikit ang mata at nakita ang imahe ng kapatid ko nakangiti saakin.All this time sya palagi ang tumatakbo sa utak ko.

I miss her smile

I miss her laugh

I miss her hanging up together

I miss her so bad.

May iilang butil ng luha ang lumabas sa mata ko at lumandas sa mukha ko.

"Hanggang dito ba naman sainyo umiiyak ka?"anang boses kilala ko kung kanino yun

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko siyang nakaupo habang nakatitig sa kalangitan.Mula sa pagkakahiga ay umupo akong muli.

"Bakit ka andito?At paano ka nakaakyat sa bahay namin?"tanong ko sakanya

Naglabas sya ng kendi at isinubo iyon inabutan nya din ako pero tinitigan ko lamang iyon.

"Tanggapin mo na!sasabihin ko kung paano ako nakarating dito sainyo!"inis na sambit nito kaya tiningnan ko sya at sinenyasan nya naman ako na kunin iyon kaya kinuha ko nalamang.

"I have my ways!Kaya nasundan kita tsaka ayaw mo ba akong kasama?"tanong nya sakin

Hindi ako sumagot at sa halip ay binuksan ang kendi na binigay nya.Pag bukas ko dito ay may papel na nakasapin at may nakasulat.

You found me!

Ipinakita ko ang papel at ngumiti lang sya sakin kaya hindi ko na pinansin iyon at isinubo nalang ang kendi at nginuya.

"Gusto mo gumala bukas?"tanong nya sakin

"Ayuko"maikli kong pag tanggi

"Sige ka pag di ka sumama di ko talaga ibabalik yung Flashdrive mo!"pananakot nya sakin na ikinailing ko

"Babalik naman ako sa tapat ng bangin para manood ng sunset yun ang usapan."mahinahon kong sagot sakanya

"Pero kahit na nag bago na ang isip ko!"parang bata niyang saad na ikinabuntong hininga ko

Daydream with youWhere stories live. Discover now