Chapter 6

16 8 0
                                    

"Wala kabang balak tumigil jan?"inis kong saad kay Trevor na walang tigil sa pag talon sa kama ko

"Wala Hahaha!Ang lambot ng kama mo!"natutuwa nitong sambit na mas lalo kong ikinainis.

"Wala kabang kama sainyo ha?"inis kong tanong kay Trevor habang ako ay nakatitig lang sa ginagawa nyang pagtalon talon

"Meron naman pero hind kasinglambot nitong sayo!"sagot niya saakin

Tinitigan ko nalamang siya,kung titiganan mo siya ay parang wala siyang iniindang sakit sa nakaraan.

Ang mahabang niyang buhok ay sumasabay sa pag talon talon niya,hindi pa siya nakontento at kinuha nya pa ang isa sa mga unan ko at pinag laruan.

Tumingin nalamang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga ibong malayang lumilipad habang humihuni na tila ba nag mamadali.

Habang pinagmamasdan ay may bigla nalamang may tumama saaking unan at nakita ko si Trevor na na peace sign pero kita mo sa mukha niya ang pagpipigil tawa.

"Ooppss.....Sorry!"mapang asar nitong saad.

Dahan dahan ako tumayo habang siya naman ay nakatitig saakin lumapit ako sa kama at kunwareng ipapatong lamang ang unan sa kama kaya muli na naman siyang nagtatalon at hindi na muling tumingin saakin.

Kinuha ko yung unan na ipinatong ko at kama at inayos ang paghawak para maihampas sa kanya.Humanap ako ng tiyempo hanggang sa....

"Trevor!"pagtawag ko sakanya nanikinalingon ko at buong lakas na inihampas sakanya ang unan.

Napaupo naman sya dahil sa impact ng ginawa kong pag hampas , ibinaba ko ang unan at inayos sa kama habang siya ay masamang nakatingin saakin.

"Oopss....sorry!"nang iinis kong panggagaya sa kanya akala ko ay mag huhumarentado na ito dahil sa ginawa ko pero tumawa pa ito ng malakas.

"Ang lakas non ha!"sambit niya pa at tumawa.

"Baliw"bulong ko at umiling uling at naglakad pabalik sa kinauupuan ko kanina.

Ilang sandali pa ay tumigil na din sa pag tawa at nanahimik na siyang gusto ko.

Kung wala lang sakanya yung Flashdrive ko di ako mag titiis na makasama ang hinayupak na ito.

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto ay iniluwa non si Mommy, wala naman akong pakialam kung makita nya dito si Trevor.

"Anak ayos ka lang ba?"nag aalala nitong tanong saakin, lumingon naman ako kay Trevor na nakangiti saakin.

"Oo bakit?"nagtataka kong tanong at inilinga linga nya ang ulo nya sa kwarto ko.

"W-wala anak s-ige!"nauutal na paalam nito saakin at muling isinara ang pinto ng aking silid.

Lumingon ako sakanya at nakita ko siyang nakahilata na sa kama ko.

Naiisip ko parin yung biglang pag bukas ni Mama sa kwarto ko na tila ba may kung ano itong nais sabihin pero mas pinili nalamang umalis.

Iwinaksi ko na muna ang ideyang iyon parang gusto kong pumanta sa bangin at manood ng sunset nakita ko naman na naupo na si Trevor.

"Tara sa sa Bangin papalubog na ang araw maya maya!"pag aaya niya saakin.Tumango naman ako bilang pag sang ayon.

Tumayo ako ganon din siya kinuha ko ang susi ng kotse ko at tuloy tuloy kaming lumabas ng kwarto.

Pagdako namin sa sala ay andon sina Mama at Papa at parang napakaseryoso ng pinag uusapan.

Lumingon sila saakin at tila ba nagulat ng makita ako.

"Anak kanina ka pa ba jan?"tanong saakin ni Dad parang may itinatago sila saakin pero di ko nalamang pinansin at umiling naman

Daydream with youWhere stories live. Discover now