Chapter 9

21 7 0
                                    

Napaiyak ako ng sobra ng makita kong wala iyong bawas.

Ang platong kinainan nya.

Ang kapeng ininom nya.

Kitang kita ko kung paano niya iyon kinain at ininom.

"Hindi!Hindi eh!Ma!Pa! kumain siya jan kanina kumain sya jan!"pag pupumilit ko habag umiiyak parin nakita ko ang pag iling ng doctor.

"Iha isa yan sa sintomas na meron ka ngang Imaginary Friend,nasa utak mo lang sya nag hahallucinate ka lang iha."sambit ng doctor

Hindi ko maabsorb lahat ng nalaman ko!

"May part iha na maaring may sakit ka din na Schizophrenia which is a chronic or severe or mental disorder that affects how a person thinks,feel and behaves.People with Schizophrenia may seem like have lost touch of reality."paliwanag niya saakin 

Walan akong maintindihan!Hindi ko sila maintindihan.

"Anak makinig ka ang lalaking sinasabi mong Trevor ay isang missing person.Mahigit isang linggo na siyang nawawala maaring patay na din ang taong tinutukoy mo dahil kung buhay siya dapat nakikita namin sya nung nakakasama mo siya."dagdag pa ni Papa.

Sumasakit ang ulo ko naguguluhan ako!

"Kung patay na siya maari bang multo na siya pero bakit sinasabi ni Doc na may sakit ako na Imaginary Friend?Baka maaring nakakakita lamang ako!"sambit ko parin habang umiiyak.

"I can't answer that thing.All I do ay ibase lahat ayon sa nakasaad na pag susuri di ako albularyo iha."sagot nito saakin.

Napailing nalamang ako.

Naalala ko si Trevor!

Yung reaction niya kanina?

Hindi kaya totoo ang sinasabi ni Doc?

Napailing ako....

Isa lamang ang pumasok sa utak ko!

Si Trevor!

Siya lang makakasagot ng lahat ng ito.

Tumingin ako sa kanila ramdam ko ang paghapdi ng mga mata ko dahil sa pag iyak ko.

"Lumabas na kayo gusto ko ng mag pahinga."sambit ko habang pinupunasan ang luha sa pisnge ko.

"Anak."tila nakikiusap na sambit ni Mama kaya mas lalo akong nainis.

"Lumabas na kayo ano ba!"sigaw ko dala na ng inis ko wala naman silang nagawa kaya lumabas sila at isinara ang pinto.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at muling bumuhos ang luha.

Masaganang lumalagaslas ang luha ko sa pisnge ko.

Wala akong magawa kundi ang umiyak.

Kinuha ko ang Cellphone ko na nakalagay sa bulsa ko.Kinuha ko yun bago bumangon sa kama ni Grace.

Binasa ko muli ang liriko ng kanta

They all say watch out
There's a ghost in town
And if you wanna stay safe stay away from her
Don't listen to the lies and the fake whispers
Watch out
There's a ghost in town
And if you don't want your heart broken
Then take my warning
There's a ghost in town

Sa unang linya nito tila ba nag babala
kaya itinuloy ko ang pag basa paulit ulit doon kahit na sumasakit na talaga ang mata ko.

Naisipan kong tagalugin ito para mas maintindihan ang pahiwatig noon baka sakali kahit papaano ay makuha akong sagot dahil sa apektadong reaksiyon niya kanin.

Daydream with youWhere stories live. Discover now