Chapter 8

17 7 0
                                    

"Ah Jules can I talk to you after our dinner?" Papa's ask

"Okay!"sagot ko at ngumiti sakanya.

Kitang kita ko sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa pag ngiti ko, siguro dahil ngayon nalamang niya ako nakitang ngumiti simula nung mamatay si Grace.

"Ngayon nalamang ulit kita nakitang ngumiti ng ganyan ah?"nakangiting puna ni Papa saakin at nakaramdam naman ako ng hiya dahil noon sa tuwing mag uusap kami kung hindi wala akong kibo ay di manlamang ako nag papakita ng emosyon sa tuwing mag sasalita na para bang hindi interesadong makausap siya.

"Jules,Michael pumanta na kayo dito at ng makakain na!"sigaw ni Mama mula sa Kusina kaya naman nagkatinginan kaming dalawa at tumawa,sabay na rin kaming lumakad papunta sa dining area.

Umuwi na si Trevor sa kanila.Okay naman kami nung nag hiwalay pero bakas parin ang lungkot na makikita sa mata nya hindi ko naman siya inusisa o nagtanong manlang kung anong meron.

Naging matiwasay naman ang pagkain namin minsan ay nag uusap sina Mama at Papa tungkol sa kani kanilang trabaho pero gaya ng dati ay di ako sumasali sa usapan nila.

Natapos ang hapunan, si Mama ay tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan namin kasama ang mga maid.

Sa totoo lang kahit pagod si Mama ay hindi niya inaaasa ang mga iilang gawaing bahay sa mga katulong kadalasan ay kumikilos parin siya at inaasikaso kami ni Papa na siyang ikinahahanga ko kay Mama.Palagi nya parin kaming pinaglilingkuran ni Papa.

Lumapit ako sakanya habang nag pupunas ng dining table namin samatalang ang katulong namin ang siyang nag huhugas ng mga plato.

"Ma?pwede po bang sa kwarto ni Grace muna ako matulog?"pag papaalam ko na ikinatigil nya.

Ilang taon ng di iyon nagagamit dahil kay Grace ang kwartong yun pero laging ipinapaalala ni Mama sa mga maid na wag kakaligtaan na linisan ang kwartong yung tuwing ikatlong araw.

Lumingon siya saakin at binigyan ako ng isang ngiti.

"Oo naman Jules anytime."sagot nito saakin kaya ngumiti din ako sakanya na ikinagulat nya at napahawak sa bibig niya.

"Anak di naman ako nanaginip diba?ngayon lamang ulit kita nakitang ngumiti!"bulaslas nya kaya napailing nalamang ako niyakap niya ako at hinagkan sa noo

"Sige na anak mag uusap pa daw kayo ng Papa mo andon siya ngayon sa Study room."nakangiti nitong saad at kumalas sa pag kakayakap.

Tumango nalamang ako bilang sagot at agad na tinungo ang Study Room ni Papa.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Papa na nag babasa ng paborito niyang libro,agad naman niya iyong ibinaba nga makita ako at nagtanggal ng salamin sa mata.

"Maupo ka Jules."anyaya sakin ni Papa na maupo sa sofa na nandoon kaya umupo nalamang ako.

"Kamusta kana?"unang tanong niya saakin.

"I think I'm fine."sagot ko

"I see by the way kahapon nung umalis ka sino yung kasama mo?"tanong nito saakin

"He is Trevor Lopez my friend"sagot ko sakanya at napatango tango naman ito.

"Taga saan sya at saan mo nakilala?"tanong nito pa ulit nito saakin.

Bakit niya ba itinatanong ngayon yun?Nung isang araw na nag paalam kami sakanila ni Mama ay hindi manlang sila na usisa.

"I don't know what the exact address but all I know is malapit sa may simenteryo ang bahay nya.Sa simenteryo ko din siya nakilala."paliwanag ko bilang sagot sa kanyang katanungan na ikinatango niya.

Daydream with youWhere stories live. Discover now