Chapter 3

32 8 0
                                    

"Hindi lahat ng problema madadaan sa pag papakamatay!"sambit ng katabi ko habang tinatanaw namin ang mapunong kapaligiran.

"Tsaka alam lahat ng problema may sulosyon!Ano ba yang problema mo?Pwede mokong sabihan!"nakangiting saad nito saakin kahit di ko nakatingin ramdam ko na nakangiti sya.

Kanina pa sya panay ang daldal samantalang ako ay wala manlang maintindihan sa pinagsasabi nya kung pwede ko nga lang na busalan ang bunganga nya ginawa ko na sana.

"Hoy!magsalita ka nga!Sige ka mapapanis yang laway mo!"sigaw niya saakin buti nalang at dalawa lamang kaming naririto.

Flashback

"Bakit kung ano ano pa ang iniisip mo?Tumalon ka nalang!Wala kang kwenta!Mahina ka!Dimo iniisip ang mararamdaman ng taong nakapaligid sayo na nag aaalala sayo!Madamot ka!Bilis wag ka ng pumikit jan at tumalon ka nalang!"Anang boses sa likod na ikinatigil ko .

Napatingin ako sakanya sya yung lalaki kahapon.Sino ba talaga sya at andito sya bakit nya ba ako pinipigilan?

"Ano pang hinihintay mo?Talon na!Hindi nababagay sa mundong to ang mga taong madamot!"sambit nito at nagkibit balikat.

Napabuntong hininga ako at tila nawalan na ng gana sa gagawin tiningnan ko sya at nilapitan.

"Ano bang alam mo?Sino kaba para pag salitaan you don't know my pain!"saad ko habang papalapit sakanya samantalang sya ay napapaatras at tila ba natataranta.

"Te-teka ano ba wag ka ngang lumapit!Eh kung desidido ka bakit dimo tinuloy ha!" pag tataas boses nya sakin.

Tumigil ako sa tapat nya at akma siyang sasampalin pero hindi ko ginawa sa halip ay naupo nalamang sa damuhan , ilang sandali pa ay umupo na din sya.

End of Flashback

Kaya ito hanggang ngayon walang tigil ang bunganga nya kadadaldal dapat pala umalis nalang ako.

Lumingon ako sakanya at nakangiti parin.

"Pag ba nagsalita ako kakainin mo laway ko?"wala sa sarili kong saad habang nakatingin sakanya.

Kita ang gulat na nababakas sa mukha nya dahil sa sinabi ko.

"Yak!anong kakainin?Ang ibig kong sabihin e mag salita ka naman jan !Anong kain kain?Kadiri ka!"nakangiwi nitong paliwanag saakin na ikinailing ko at muling itinuon ang mata sa harapan.

Ilang saglit siyang nanahimik kasabay non ang unti unting paglubog ng araw na sabay naming pinapanood.

"Katulad mo din ako noon,nakikita ko ang sarili ko sayo."sambit niya sa kawalan na ikinalingon ko bakit nya ba sinasabi yun?

"Katulad mo nawalan din ako ng pag asa,nawalan ng gana sa lahat ng bagay sa paligid at sa maniwala ka pinagsisisihan ko ang bagay na yun."patuloy nya pa na ikinabuntong hininga ko

"Ano ba ang pinagsisihan mo?"tanong ko habang nakatitig sa kawalan.

"Ang pagluluklok ko sa sarili sa nakaraan."sagot nya na tuluyang ikinalingon ko at naging interesado.

"Bakit ano bang nangyari sayo?"Mas malala pa ba sa inabot ko? interesado kong tanong sakanya.

Tumayo sya bigla na ikinatingala ko inabot nya ang kamay nya saakin.

"Umuwi kana gumagabi na hindi safe mag drive ng gabi."nakangiti nitong sambit

Hindi ko tinanggap ang kamay nya bagkus ay tumayo ako ng mag isa at nag pagpag tila ba iniiwasan nya ang tanong ko.

Nakita ko ang pagkamot nya sa ulo nya habang nakayuko siguro ay napahiya sa ginawa ko.

Naglakad ako papaalis ng hindi siya pinapansin,ramdam ko naman ang pag sunod nya saakin.

Daydream with youWhere stories live. Discover now