Chapter 7

22 8 0
                                    

Naramdaman ko nalamang na may tila ba nakatitig saakin kaya agad kong iminulat ang mata at di nga ako nag kamali.

Nakaupo si Trevor sa higaan nya sa ibaba at nakapatong ang baba sa kama at nakatitig saakin.

"Good morning!"bati niya saakin at ngumiti

"Anong maganda sa umaga e ikaw parin ang nakikita ko pag mulat ng mata ko?"sagot ko at naupo sa kama

"Aray naman!Ang harsh mo a!"sagot nito at umakto pang tila nasaktan sa sinabi ko

Napailing nalamang ako at tumayo inihanda ko ang mga susuotin ko para sa pupuntahan namin at saka tumuloy sa Cr para makapaligo.

15 minutes later

Agad din akong lumabas ng Cr para tingnan ang maaring ginagawa ng hinayupak sa kwarto ko.

Paglabas ko ng Cr ay nakita kong hawak nya yung picture namin ni Grace na nakapatong sa table sa tabi ng kama ko.

Napansin ko agad na iba na ang suot nya.Bakit parang ang bilis naman nyang mag palit?At saan sya kumuha ng damit?Sa pagkakaalala ko wala naman siyang dalang kahit na ano kahapon.

"Saan ka kumuha ng damit?"tanong ko sakanya habang nag susuklay ng buhok

"Umuwi ako kaninang madaling araw nag palit  at naligo na din ako saka bumalik ayoko kasing magising ka na wala ako baka hanapin moko o kaya mamiss moko agad!"nakakalokong sagot nito saakin nailing nalang ako sa kahanginang meron ang isang to

Matapos kong mag ayos ng sarili ay inaya ko siyang bumaba para mag almusal pero ayaw niya at humiling saakin kung maari ay dalhan ko nalamang siya ng pagkain sa kwarto wala naman akong choice kundi sumunod ayuko naman na magutom ang isang ito.

Mabilis akong bumaba papunta sa kusina at nakita ko sina Mama at Papa na nag aalmusal na.

"Oh anak maupo kana."anyaya sakin ni Papa habang humihigop ng kape

"Sa kwarto ko nalamang ako mag aalmusal."sagot ko at kumuha ng maaring lagyan ng pagkain namin ni Trevor.

"Hindi ba't may pasok ka?"Tanong saakin ni Mama habang nakatuon saakin.

"Tinatamad ko pumasok,madali ko naman mahahabol ang lesson wag kayong mag alala."sagot ko sa kanila at patuloy padin sa ginagawa.

Kumuha ako ng dalawang plato at nilagyan yun ng Hotdog at Itlog, nilagyan ko din ng fried rice.Nag handa din ako ng dalawang kape para samin dalawa.

Napansin ko na kanina pa nakatitig si Mama At Papa saakin na diko maintindihan kung titingnan mo sila ay parang naguguluhan sila sa ikinikilos ko.

May mali ba?Sa pag kakaalam ko nakita na ni Mama si Trevor sa kwarto kahapon nung pumasok sya sa kwarto ko di nya lamang ito binati at umalis agad.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa maging ready na ang dadalhin ko at sinimulan ng maglakad.

Ramdam ko ang habol na tingin sakin nina Mama at Papa pero diko na iyon pinansin.

Ano bang nangyayare sa kanila?

Siguro ay nag aalala parin sila saakin.

Tama yun nga yun.

Mabilis kong tinahak ang kwarto ko at pumasok doon iniwan ko yung bukas para makapasok agad ako.

Nakita kong nakahiga si Trevor na parang ang lalim ng iniisip at hindi manlamang namalayan ang pagpasok ko.

Inilapag ko sa study table ko ang pag kain na ikinalingon naman niya. Tumayo sya at ngumiti lumapit siya saakin at tiningnan ang dala ko.

"Wow naman ang sarap!"natatakam nitong sambit habang ako ay inaayos ang mga gamit sa lamesa na nakakalat.

Daydream with youWhere stories live. Discover now