Chapter 7 - Can't Stop Thinking About You

17.2K 563 228
                                    

Dublin's Recording Studio

🎶 And you're the place my life begins
And you'll be where it ends
I'm flying without wings
And that's the joy you bring
I'm flying without wings 🎵

"Good job, lads!" Pumalakpak si Louis nang matapos ang pag-awit ng lima.

Nilapitan siya ng mga ito. "Magpahinga na kayo. Matulog kayo nang mahimbing. Ipahinga ang vocal chords dahil sasabak na naman tayo sa sunod-sunod na concert starting next week."

"Salamat, Louis!" sabay-sabay na sabi ng limang lads.

"Let's have few drinks at the nearby bar. Baka hindi na natin ito magawa kapag nagsimula na tayong mag-concert," pag-anyaya ni Shane. Kalalabas lang nila sa recording studio.

"I'm in," pagsang-ayon ni Kian. "Ikaw ba, Nicky?"

"Ako rin. Alam n'yo namang walang nagbabawal sa akin kaya game ako anytime."

Nakipag-bro fist si Shane kay Nicky. "Same."

"Kanina pa tahimik si Mark, ah?" Nilingon ni Nicky ang kaibigan. Tinapik niya ito sa balikat. "Bro."

Umiling si Mark. "Wala lang 'to, bro. May iniisip lang."

"Kung ano man 'yan, mamaya mo na isipin," ani Shane na inakbayan ang kabanda. "Tara na habang maaga pa."

I can't stop thinking about that girl in the video. Haay. Mali ito. Para akong nagtataksil kay Cailean! Ano ba kasi'ng meron sa babaeng 'yun? nasa isip ni Mark.

Dublin Winebar
Dublin, Ireland

Dublin WinebarDublin, Ireland

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cheers!"

"Cheers!"

"Pahiram ako ng song book, Nicky. May kakantahin lang ako."

Nasa private room sila kaya mayroong mini karaoke.

Isa-isang tiningnan ni Mark ang mga kanta na nagsisimula sa letrang 'W'. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang hinahanap.

"Kian, pasuyo naman ng 31586."

Inilagay ng binata ang numerong nire-request ng kaibigan. Siya kasi ang pinakamalapit sa videoke.

Written in the Stars

Nagtinginan sina Brian, Shane, Kian, at Nicky. Noong isang araw pa kasi kinakanta ni Mark itong kanta nilang ni-release sa Unbreakable album nila. Hindi lang 'yun. Ringtone din kasi ito ni Mark sa cellphone. Naninibago sila sa kaibigan kung bakit na-e-LSS ito sa dati nilang kanta.

Stay with me don't fall asleep too soon,
The angels can wait for a moment.
Come real close, forget the world outside,
Tonight we're alone its finally you and I.

Sa tuwing kinakanta ko ito, rumerehistro ang mukha ng fan na iyon sa utak ko.

It wasn't meant to feel like this, not without you.

Kung sino ka man, kailan ka ba mawawala sa isip ko? I have a boyfriend. I love Cailean... and he loves me....

Cause when I look at my life,
How the pieces fall into place it just wouldn't rhyme without you.
When I see how my path seems to end up before your face,
The state of my heart,
The place where we are was written in the stars.

Please get out of my mind whoever you are!

Napakagat-labi si Mark sa naiisip niya.

Luneta Park
Manila, Philippines

"Bakla, hindi pa rin talaga siya nagre-reply." Ang tinutukoy ni Jem ay si Mark Feehily. M-in-essage kasi niya ito sa Instagram.

"Magre-reply rin 'yun," pagpapalakas-loob ni Kathryn sa kaibigan. "Mag-message ka ulit sa kaniya. Baka natabunan lang 'yung message mo."

"Ayoko nga. Baka sabihin e desperada ako."

Bumuntong-hininga si Kathryn. "Akin na nga 'yang phone mo." Akma niyang kukuhanin ang cellphone ng kaibigan.

"Huwag!" Itinago ni Jem ang cellphone sa bulsa.

"Ikaw rin, bahala ka. Malay mo, napapalampas mo na pala 'yung chance na ma-notice ka ni Mark."

"Alam kong may tamang panahon ang lahat," puno ng pag-asang sabi ni Jem.

Hindi na sinalungat ni Kathryn ang kaibigan.

"Nandiyan na pala sila," pagtukoy ni Kathryn kina Analisa at Mae na kararating lang. "Mga bakla, nakita n'yo ba kung saan puwedeng mag-request ng kanta?" Puwede kasing mag-request ng kahit anong patutugtugin sa buong Luneta Park kapalit ng bayad na singkuwenta pesos.

Tumango si Analisa. "Mag-abang lang tayo. Kasunod na 'yun."

Mayamaya pa ay narinig na nila ang pinakahihintay nila. Pumailanlang sa buong park ang Swear It Again.

"Medyo nakaka-proud sa pakiramdam na iparinig sa maraming tao 'yung kanta ng Westlife," ani Mae. "Para kasing sa ganitong paraan e nakatutulong tayo para i-promote sila. Nakaka-fulfill sa feeling as a fan."


Sumang-ayon naman ang mga kaibigan niya.

"Oy, bakla. Ano't may pa-emote-emote ka riyan? Nasa music video yarn?" pagsita ni Analisa kay Kathryn na nakamasid sa fountain. Natahimik kasi ito bigla.

Umiling lang si Kathryn na hindi iniaalis ang tingin sa bumubulwak na tubig mula sa fountain. Lumaylay ang mga balikat niya. "Naisip ko lang na ang laki pala talaga ng agwat ng mundo namin ni Kian. Sikat siya, isang boyband member, at tinitingala ng marami. Hinahangaan ng maraming fans. Samantalang ako e fan lang. 'Di pa nga niya kilala."

Nagkatinginan ang tatlo niyang kaibigan.

Hindi na bago sa kanila ito. Mula nang makilala nila si Kathryn ay lagi na itong naglalabas ng saloobin tungkol sa unmet fangirling goals nito mula sa hinahangaang si Kian.

"Na-like naman na niya 'yung comment mo, bakla," singit ni Mae. "It means, aware na siya sa existence mo."

"Kung sabagay." Tipid na ngumiti si Kathryn. "Pero iba pa rin talaga kapag na-meet ko siya sa personal at nakausap."

"At naikama," dugtong ni Analisa.

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn. Pigil namang napatawa si Mae.

"Bakla ka talaga ng taon!" pananaway ni Jem sa kaibigan.

Nagtawanan sila.

"Hayaan mo, malapit naman na ang concert. Sure namang makakausap natin sila kahit ilang saglit sa meet and greet. Eto na 'yung chance nating q-um-outa."

They nod at each other in agreement.

Inilahad ni Jem ang isang kamay. "Para sa fangirling goals natin, mga bakla."

Ipinatong ng tatlo ang kani-kanilang kamay sa kamay ni Jem.

"Para sa fangirling goals!"

Tinapos lang nila ang kanta at pagkatapos noon ay nilibot nila ang ibang bahagi ng Luneta Park.

I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon