Chapter 49 - The Party

11.7K 396 138
                                    

"Well, well, well," ani Mae na dume-kuwatro sa pang-isahang upuan sa living room. Pinukulan niya ng mapanuyang tingin si Kathryn. "May paghabol na nalalaman si Kian kanina, ah?"

"Nalaglag nga raw kasi 'yung panyo kaya isinoli," ani Jem. Binigyang-diin niya ang pagsasabi ng daw.

Tumikhim si Analisa. "Nalaglag o sinadyang ilaglag?" Sa puntong iyon ay nakatingin na ang tatlo kay Kathryn.

"Do I really have to repeat myself?" Padabog na tumayo ang dalaga sabay pihit ng katawan patungong kuwarto. Pabalya niyang isinara ang pinto pagkapasok.

Napahagikhik ang tatlo habang nakatingin sa pinuntahan ng kaibigan.

***

Nakasimangot habang nakaupo si Kathryn sa edge ng kama.

Naiinis ako sa sarili ko.

Kung bakit kasi sa dinami-rami ng panyo ko eh iyon pa ang nadala ko?

At sa tagal namin sa restaurant kanina e doon ko pa naisip kuhanin 'yun sa tapat ng dalawang ayokong banggitin ang pangalan.

Take note, hindi ko namalayang nalaglag pala no'ng ibabalik ko na ha?

Ano na lang ang iisipin no'n ni Kian– uhm.. I mean no'ng lalaking iyon?

Na kini-keep ko pa 'yung gamit na ibinigay niya hanggang ngayon?

Na baka isipin niyang pinahahalagahan ko pa rin siya?

Hayyy...

T-Teka..

Eh, bakit ba ako worried na worried do'n?

Pinalampas ko na lang sana iyon

Pero bini-big deal ko pa.

Ay naku. Ewan ko ba.

Dapat dedmahin ko na lang siya. Nai-stress lang ako.

Tumayo siya at tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. Kukuhanin na sana niya ang sipilyo nang mapatingin siya sa kamay. Muli niyang naramdaman ang kuryenteng dumaloy sa sandaling nagkadikit ang mga daliri nila ni Kian.

Napapikit siya at umiling.

Listen, Kathryn. Nandiyan ka sa Ireland hindi upang muling silaban ang namatay na mitsa sa pagitan ninyo ni Kian.

Nandiyan ka dahil sa isang special project.

You have to focus on that para mas mapadali ang pagbalik mo sa Pinas.

Focus. Focus. Focus.

Huminga siya nang malalim at itinuloy na ang pagsisipilyo.

Maya't maya ay napapasulyap siyang muli sa daliri kaya napapatigil siya.

Minadali niya ang pagsisipilyo at sunod naman niyang ginawa ay ang pagkukuskos ng sabon sa hintuturong nadikitan ng balat ni Kian.

Nagre-replay sa utak niya ang nangyari kanina kaya paulit-ulit din niyang kinukuskos ng sabon ang daliri sa pag-asang mabubura noon ang bakas ni Kian.

Nang mapagod ay tumigil na siya. Itinuon niya ang mga kamay sa sink habang tinitingnan ang repleksiyon sa salamin.

Mayamaya ay tumunog ang cellphone niya. Nakatanggap siya ng isang text message.

I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)Onde histórias criam vida. Descubra agora