Chapter 37 - TOTGA

11.9K 362 189
                                    

Minsan, 'di mo rin maintindihan ang tao.

'Pag may isa siyang bagay o tao na gustong-gusto, gagawin niya ang lahat para makuha ito.

Pero 'pag nandiyan naman na, saka niya ipagtatabuyan.

At kung kailan nawala na nang tuluyan, saka niya ulit hahanapin at hahabulin.

Para kang tumaya sa lotto.

Nanalo na ang iyong mga numero.

Pero itinapon mo 'yung winning ticket mo..

Ang gulo 'no? Why do you have to make things complicated when you can easily get the one that you want?

Beaumont Hospital
Dublin, Ireland

Pumasok si Kian sa hospital room ni Jodi. Nadatnan niyang natutulog ang dalaga na halatang nahihirapan na rin sa kaniyang kalagayan. Namumutla ang mukha nito at ang mga labi.

Kadarating lang nila sa Ireland dalawang oras na ang nakaraan. Idiniretso nila agad si Jodi sa ospital dahil sa pagsusuka nito ng dugo.

Nakaramdam siya ng awa sa nobya.

Hindi niya dapat dinaranas ito. Marami pa siyang pangarap.

Napatitig siya sa mukha ni Jodi. Sa katagalan ng pagtingin niya roon ay napapalitan iyon ng mukha ni Kathryn.

Nakaramdam siya ng pangungulila na may halong kirot. Pangungulila, dahil hindi man lang siya nakapagpaalam nang maayos sa dalaga. Kirot dahil naguguluhan siya sa pakikitungo sa kaniya ng dalaga nitong mga nakaraang araw.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit nagbagong bigla ang pakikitungo sa kaniya ni Kathryn. Na kung bakit sa isang iglap ay iniwasan na lang siya nito.

Ano ba ang gusto mong iparating, Kathy?

Napagdesisyunan niyang tawagang muli ito.

His heart almost jumped out of joy when she finally answered the call.

"Kathy? K-Kathy. Oh, thank God you've ans—"

"Stop contacting me, Kian."

Napahawak nang mahigpit ang binata sa cellphone. Umalingawngaw sa kaniyang mga tainga ang sinabing iyon ng dalaga. "H-Ha? Stop contacting you? W-Why?"

Hindi nalingid sa binata ang malalim na buntong-hiningang pinakawalan ng dalaga bago nagsalita. "Kalimutan mo na ako. Isipin mo na lang na isa lang akong parte ng panaginip mo."

Umiling-iling si Kian. "I can't. Hindi ka panaginip. Totoo ka," halos nagkakandautal niyang sabi.

Napasapo siya ng isang kamay sa noo. "May nagawa ba ako sa 'yo, Kathy? Bigla ka na lang nagkaganyan. Ang saya-saya pa natin no'ng huli tayong nagkita, 'di ba? Hindi ko maintindihan."

"Tama na, Kian. Itigil na natin ang lahat ng ito."

"H-Hindi na ba ako mahalaga sa 'yo?" May bara sa lalamunan na nasabi iyon ni Kian. "You used to make me feel that you love me."

"H-Hindi kita minahal, Kian."

Para bang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ng binata nang sabihin iyon ng dalaga.

"Oh, really?" Pagak siyang tumawa, pilit itinatago ang unti-unting pagkamatay ng kaniyang puso. "Sabihin mo sa akin 'yan sa personal habang nakatingin sa mga mata ko."

Wala siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. Mayamaya ay tuluyan nang naputol ito.

"Kathy?!" Tinangkang tawagang muli ni Kian ang dalaga ngunit hindi na nagri-ring ang number nito.

I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon