WATTYS 2021 WINNER
Fanfiction Category
Dalawa lamang sa milyon-milyong fans ng Westlife sina Kathy at Jem. Katulad ng iba ay hinahangad din nilang mapansin sila ng iniidolong Irish boyband group- partikular na ang bias nilang sina Kian Egan at Mark...
Makikita si Kathryn na nagbubuklat ng songhits magazine. Nasa bahay siya ng kaniyang bestfriend na si Clarissa.
Bata pa lamang ay mahilig na siya sa musika. Ang pagmememorya ng song lyrics ay nakasanayan na niya.
Ilang songhits na ang napapasadahan niya ng buklat nang may isang pumukaw ng kaniyang atensiyon. Isang songhits magazine na may cover na larawan ng limang binata na mukhang parte ng isang boyband.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ang guwapo naman nila! Bet na bet ko talaga 'yung mga boy-next-door ang pormahan. 'Yung white ang complexion, blonde ang hair, at blue ang mga mata!"
Binuklat pa ni Kathryn ang magazine. Sa kalagitnaan ay nandoon ang article tungkol sa bagong tuklas na boyband.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ah, Westlife pala ang pangalan ng banda n'yo. Sige, idadagdag ko na kayong lahat sa crush list ko." Napokus ang tingin niya sa dalawang miyembro. "Sino kaya itong may blue eyes at blonde hair? Ang cute naman." Binigyan niya muna ang dalawa ng code names na Mr. Blue Eyes #1 at Mr. Blue Eyes #2.
Walang panahon para hanapin ni Kathryn ang pangalan ng dalawang crush niyang 'yun dahil limitado lang ang paggamit niya ng internet. Nanatiling gano'n lamang ang tawag niya sa dalawa mula noon.
Nakahiligan na rin niya ang pakikinig ng mga kanta ng Westlife. Dahil wala pa siyang pambili ng merch ay nakuntento na muna siya sa pagiging silent fan.
Lumipas ang ilang taon ay hindi pa rin niya alam ang mga pangalan ng miyembro ng Westlife. College na siya nang ma-curious siya sa pangalan ng mga binata kaya sinimulan na niya ang pagri-research.
Si Nicky Byrne pala si Mr. Blue Eyes #1.
Ah, eto pala si Shane Filan. Then eto naman si Brian Mcfadden at Mark Feehily.
At eto naman si Kian Egan, ang Mr. Blue Eyes #2 ko.
Si Nicky talaga ang unang naging crush ni Kathryn sa Westlife, pangalawa lang si Kian kaya siya ang Mr. Blue Eyes #2.