Chapter 30 - The Departure

12.1K 381 182
                                    

Dumudungaw na ang araw mula sa likod ng kabundukan nang magising na sina Kathryn at Kian.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Kathryn nang makita niya si Kian na noo'y pupungas-pungas sa mukha. "Good morning."

"Good morning, Kathy," he answered in a low, manly voice.

Nanatili lang silang dalawa na nakatagilid nang magkaharap, tila ba kinikilatis nila ang detalye ng mukha ng isa't isa.

"Bangon na tayo?"

Umiling-iling si Kian. "Mamaya na." He pouted.

"Baka kasi naghihint–" Akmang tatayo si Kathryn nang higitin ni Kian ang braso niya pabalik sa pagkakahiga. Medyo napalakas 'yun kaya napatumba siya nang paharap sa ibabaw ng binata.

Mabilis ang reflexes ni Kathryn kaya in a split second bago magdikit ang mga mukha nila ay napigilan na niya ang ulo. Gayunman ay sobrang lapit pa rin nila sa isa't isa kaya nadarama nila ang init ng kanilang paghinga.

Napakalakas ng kabog ng dibdib ng dalaga na wari niya ay nararamdaman din ni Kian dahil magkadikit lang ang mga dibdib nila.

Napatutok ang tingin niya sa mga mata ng binata na may kakaibang klase ng kaasulan. Mistula ba itong isang bangin na nagtataglay ng enerhiyang humihila sa kaniyang katinuan.

"Good morning friendshi— ayyyy!" ani Mae na binuksan ang ziplock ng tent. Nagulat siya sa naabutang puwesto ng dalawa.

Dagling umayos ng upo sina Kian at Kathryn. Hindi maipinta ang mukha ng dalaga samantalang si Kian naman ay natatawa-tawa.

"S-Sorry." Tinakpan ni Mae ang mga mata at dali-daling tumalikod. "I-Ituloy n'yo lang 'yan."

Akmang isasara niyang muli ang ziplock nang pigilin ni Kathryn ang braso niya. "Oy, bakla. Natumba lang ako kaya gano'n ang puwesto namin."

"Ah, natumba? Oo na lang, bakla." Tinapunan ni Mae ng makahulugang tingin ang kaibigan.

"Kilala mo ako, Mae. Kung meron naman talagang nangyari e kayo rin naman ang unang makakaalam."

Medyo naibaluktot ni Mae ang katawan patalikod habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib. "Ay, ang defensive? Andami mo nang nasabi, bakla. Napaghahalataan ka."

"Gagi, hindi 'no. Kilala kaya kita. Andumi-dumi mong mag-isip."

Napatawa sila parehas.

"Siyanga pala, bakit ang aga mong mambulabog? Kasisikat palang ng araw, oh."

"Pasensya naman po ha? Tent n'yo nga pala 'yan kaya pala kami nagsiksikang walo sa kabilang tent," sarkastikong sabi ni Mae. Napahagikhik si Kathryn sa inaakto ng kaibigan.

"Nakausap na kasi ni Shane 'yung manager nitong resort kani-kanina. Mga bandang tanghali raw e cleared na 'yung runway. Puwede na tayong makabiyahe mamayang hapon."

Tumango-tango si Kathryn. "Gisingin mo na rin sila. Ililigpit na namin itong tent."

"Fine." Nagkibit-balikat si Mae. "Yung usapan ha? Ninang ako."

"Che!"

***

Nang matapos  magligpit ng tent sina Kian at Kathryn ay saka pa lang nagsimulang magligpit ng tent ang mga kaibigan nila. Kagigising lang ng mga ito.

Inakbayan ni Nicky si Kian. "Bro, parang ang ganda ng gising natin, ah?"

Nakipag-fist bump lang si Kian sa kaibigan habang natatawa.

Seryosong hinarap ni Jem si Kathryn. "Marami kang dapat ikuwento mamaya, Kathryn Alexandria."

"Mukhang marami nga," sabad ni Kian na napapatawa.

I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)Where stories live. Discover now