Prologue

26 0 0
                                    

Mahirap mag mahal ng taong
may gusto ng iba.

Pero mas mahirap mag mahal ng Taong hindi pa tapos mag mahal ng iba.


CALI'S POV

AUGUST 4, 2016 | THURSDAY , 8AM

"Hey Ate Cali?"
"Wake up!"
"ATE CALISTELLE!!!!"

Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng balakang at lahat ng nahawakan ko sa ibabaw ng drawer ko bumagsak sa mukha ko.

Shit Nahulog pala ako sa kama, Bakit ba kasi ang aga ako gisingin ng impakta kong kapatid? Wala pa namang pasok kasi Next Week pa ang pasukan.

Tinignan ko siya ng masama habang tumatayo ako at ibinato yung unan na nasa harap ko. "Ano ba problema mo Krys? Sinira mo nanaman yung maganda kong tulog!" pinadyak ko yung paa ko at inihagis ulit yung unan na nasa lapag.

"Hello? Sabi mo kagabi gisingin kita kasi po kailangan maaga sa pagkuha ng schedule!" Pag ma-mataray niya. Schedule? ng alin na--

"NGAYON NA BA YON KRYS?" pasigaw kong sinabi at binato ko ulit siya ng unan."Bakit ngayon mo lang ako ginising!?" nagmadali ako pumunta ng cr para sa mabilisang ligo.

Buhos doon, Buhos dito. Lagay ng Shampoo doon, Kuskos ng Sabon dito, Toothbrush doon, Sabay buhos ulit dito.

Anak ng tinapa naman anong Ligo ba ginawa ko ngayong araw huhu hindi ako sanay na 10 minutes lang sa banyo Halos 1 hour kaya ako maligo kaya lagi akong late e'

Pumunta agad ako sa Closet ko para pumili ng susuutin. Mag pants at Shirt nalang ako kasi kukuha lang naman ng Schedule at number ng Locker. Hindi na ako nag suklay at naglagay agad ako ng ipit sa buhok, humarap ako sa salamin mukha akong labandera haha okey na yan pero wait parang may kulang sa mukha ko hmm? ayy oo Salamin ayoko mag contact lens hindi ako sanay kasi feeling ko hindi kami close ng contact lens ko huhu.

Bumaba na ako at nakita ko sila Mommy na kumakain na ng Breakfast, Sinuot ko yung Sapatos ko at pumunta na agad sa lamesa para kumuha ng Tinapay.

"Cali Anak hindi kaba mag heavy Breakfast?" tanong ni mommy.

"Hindi na po late na po ako baka hindi masunod ang schedule na gusto ko mom hehe bye I love you!"  kumuha ulit ako ng Tinapay at hinalikan si mommy sa pisngi.

"Cali yung Gamot mo?"

"Nasa Bag ko na po don't worry"

Nag abang ako ng masasakyan sa labas ng Subdivision namin, Wala kasi yung Driver namin naka day off pero okey lang sanay naman ako mag commute.

Pagkababa ko ng Jeep andami na agad na studyante papasok sa campus. Shit mahaba nanaman ang pipilahan ko bakit kasi na late ako ng gising huhu sana masunod pa din schedule na gusto ko.

"I miss you Ponclara University!"

Tumakbo ako at sumingit sa mga taong nakapila sa guard. Bigla na lang sumikip ang dibdib ko buti na lang dala ko yung gamot ko.

Pagpasok ko sa Campus lahat ng tao nagkukumpulan malapit sa disciplinary office. ano naman kaya ang nangyari? wala pang pasukan pero may gulo na.

Naglakad na ako papunta sa Registrar para humingi ng Schedule ko. Maganda naman ang Schedule na nabigay sa akin pero bakit parang ayaw ko? napatingin ako kay kuya na nagpipinta sa pader. Hindi ko alam na lumakad na pala ako at ngayon nasa harap ko na si kuya, Napatingin siya sa akin at ngumiti.

Heart is not EnoughWhere stories live. Discover now