Chapter 6 (Part 1)

7 0 0
                                    

ALEX'S POV

"Calistelle Velasco!"

Napatigil ako sa Paglalakad ng narinig ko ang pangalan ng halos tatlong linggo ko ng hinahanap.

"Calistelle Velasco daw pre?" sabi ni Vin. Lumingon ako sa Stage at nakita ko yung babaeng binigyan ng medalya. Totoo ba yung Nakikita ko? Siya ba talaga yung matagal ko ng hinahanap? Ang tanga ko nasa harap ko na pala at ang dami ko pang atraso sa kanya tapos siya lang pala yung hinahanap ko? pero Bakit siya?

Biglang may tumapik sa likod ko at si Sam lang pala na may dalang List ng Student.

"Tol yung Calistelle Velasco na hinahanap natin sa BSHRM  Building pala yung classroom niya,,,Teka katabi lang pala ng Building niyo!" hindi namin pinansin ni Vin si Sam dahil parehas kami nakatingin kay Cali.

"Congratulation Ms.Calistelle Velasco, You deserve na mag champion ka kasi talaga namang napaka ganda ng iyong nilikha!"

"Shit Tol siya si Calistelle? diba siya----" pati si Sam nagulat din.

Napatingin ako kay Linus at tiningnan ko siya ng masama. Lagi niya kasama yung babaeng yon tapos hindi man lang naisip na sabihin sa amin na kilala na niya?

Kinuha ko yung Kwelyo ng damit ni Linus at tinulak siya sa lamesa kaya yung ibang studyante napatingin sa amin.

"BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SA AKIN? O SA AMIN?" Kinuha ko ulit yung kwelyo niya at susuntukin ko na dapat siya ng pigilan ako ni Vincent.

"Hindi ka pwede gumawa ng gulo o Tayo, alam mo naman na pwede na tayo ma- suspend? at pag nagkataon posible na malaman ng parents natin!" paliwanag ni Vincent. "

"Pasalamat ka Linus nandito si Vin"

"Linus naman bakit hindi mo sinabi agad?" Inis na sabi ni Vin. Tumayo si Linus at humarap sa amin.

"Kumalma nga kayo!" Susuntukin ko na dapat ulit si Linus ng pigilan ako ni Sam at Vin. "Aj sa totoo lang hindi ko alam na Calistelle Velasco ang pangalan niya!" Paliwanag ni Linus. kumawala ako kali Vin at Sam at tinulak ko ulit siya.

"Araw-araw kayo magkasama nila Amy tapos hindi mo alam?"

"Tol maniwala ka 'Cali' lang yung pagpapakilala niya sa akin tska simula nung nakita niya yung away niyo ni Ace hindi na kami madalas nagkakausap!" Inayos niya yung damit niya at pinulot niya yung Bag niya sa sahig.

"T*ng*na hindi mo man lang Inalam?" Alam kong naiinis na din si Sam. Sinong hindi maiinis e' halos tatlong linggo na hindi namin mahanap yung 'Calistelle' tapos kasama lang pala ni Linus. Muntikan ng maging Jowa ni Sam yung Registrar para makuha lang yung List ng mga Studyante dito sa Ponclara University.

Heart is not EnoughWhere stories live. Discover now