Chapter 3

8 0 0
                                    

CALI'S POV

"Ace?"

Hinigit ako ulit ni Linus palayo at nandito kami ngayon sa harap ng Building D. Tinignan ko si Linus na napakamot ng Buhok.

"Ano bang ginagawa mo dito Cali?" Inis na tanong ni Linus.

Tinignan ko lang siya at biglang sumikip ang dib-dib ko. Ano ba tong nangyayari sa akin? Bakit apektado ako kay Ace? Bakit nandon siya? Masama rin ba siya? Sana mali yung iniisip ko Pero sa nakita ko mukhang pinagtatanggol niya yung lalaking binugbog ni Alex.

"Cali? may masakit ba sayo?" inabot ko yung bag ko kay Linus at agad naman niya ako na gets kaya hinanap niya yung Gamot ko at Tubig.

"Bakit kilala mo si Ace?"

"Bakit kilala mo din si Ace?"

"Tama bang sagutin ng tanong ang isa pang Tanong?" tinignan lang ako ni Linus at nag buntong hininga siya. Bakit ba parang may tinatago siya?

First day of Class palang ang dami na nangyari na hindi maganda o kahit hindi pa nagsisimula ang klase. Hindi naman ganto ka kumplikado noon ah? Hindi naman ganto kagulo yung isip ko noon? Ano ba nangyayari?

Simula nung pinaltan ang puso ko  7 months ago. Ang dami ng nagbago, Hindi ko alam kung napapansin yon nila mama at ni krys at sana lang magaling ako magtago ng nararamdaman. Lahat ng ayaw at hindi ko hilig noon nagiging gusto at hilig ko na ngayon. Ganon ba talaga kapag napaltan ang Puso? Kung sino ang may ari siya ang nasusunod? Katulad nung 'Portrait Painting Making Contest' hindi ko naman gusto yon at dahil alam ko sa sarili ko na wala akong talent pagdating sa arts pero hinihikayat ako ng sarili ko na sumali. Napatunayan ko na marunong ako puminta nung pinasubok ako Last week bago mag pasukan ng lalaking binugbog ni Alex kanina. Nung nakita ko ang gawa ko na isang napaka gandang Bulaklak na ang saya pagmasdam, Nagulat ako sa sarili ko ng ganon kaganda ang kinalabasan.

"Alis na ako!" Kinuha ko na yung Bag ko kay Linus at naglakad palayo sa kanya. Alam kong tinatawag niya ako pero hindi ko iyon pinansin, mas mabuting hindi ko muna siya pansinin baka maging komplikado lahat lalo na at Tropa niya yung Alex baka siya lang yung pagbuntungan ko ng Galit. Bakit ba kasi nakilala ko pa yung lalaking yon kung kailan Last year na, Sana hindi ko nalang siya nakita at nakilala.

Si Ace kaya? Teka bakit ko ba siya iniisip? dapat na siguro na ngayon palang iwasan ko na siya, tama ng nakilala ko siya at alam ko na minsan siyang naging mabait sa akin. Hanggang doon na lang siguro yon kahit gusto ko siyang maging kaibigan at makasama mukhang hindi na pwede dahil iba ang mundo na ginagalawan niya dito sa School. Mukang hindi ko pa talaga siya kilala at masyado lang akong nadala.

Pauwi na sana ako ng maalaala ko na may Last subject pa ako kaya lang tinatamad ako pumasok dahil sa mga nangyari.

Nandito ako ngayon sa Hardin ng mga bulaklak, wala akong magawa kasi dito ako dinala ng paa ako feeling ko gagaan ang pakiramdam ko at lalo na walang tao. Nagpunta ako sa mga Yellow flowers at pumitas ng isa, diko maintindihan ang sarili ko pero pumikit ako at humiling na sana maging maayos na ang lahat.

Napadilat ako ng mag text si Ija.

From: Ijapot ^_^
Saan ka beshieeee?

Paano ko ba sasabihin kay Ija yung mga nangyari ngayon? Mag rereply na sana ako kaya lang biglang may tumawag sa akin mula sa likod kaya napalingon ako. Isang Matangkad, Gwapo na lalake at may seryosong mga mukha ang nasa harapan ko ngayon.

Heart is not EnoughWhere stories live. Discover now