Chapter 4

8 0 0
                                    

CALI'S POV

Halos 2 weeks na ang lumipas at bukas na yung pinaghahandaan kong contest. Hanggang ngayon wala parin pumapasok sa isip ko kung ano yung ipipinta ko, binili ko na halos yung mga material pang paint pero wala pa din.

Bakit ba kasi ako sumali? Bakit ko ba sinunod yung gusto ng puso ko? sabagay baka ito yung gusto ni Kaye na gawin ko na kailanman hindi na niya magagawa kaya sige na nga lalaban na ako bukas at pipilitin ko manalo kahit napaka imposible.

"Ate marunong ka ba talaga niyan?" Nakatingin siya sa ginagawa ko habang iniinom yung juice na ginawa sa akin ni mommy.

"Hindi ko alam!"

"Patay ka kay Papa kapag bumalik na siya galing Amerika kapag nakita niya na napaka dumi ng Kwarto niya!" Tinignan ko siya ng masama tapos pinulot yung mga scratch paper na nagkalat sa lapag at pinaghahagis sa kanya.

"Goodluck Tomorrow Ate!" sabay sara ng pinto at tumakbo pababa.

"Ano kaya mangyayare sa akin bukas?" Niligpit ko yung kalat ko at nagpagisipan ko na lumabas at magpahangin na baka sakali may pumasok sa utak ko na gagawin ko bukas sa contest.

"Cali?" napatigil ako sa paglalakad nung biglang may tumawag sa akin na napaka pamilyar kaya agad akong lumingon.

"A-ace?" ningitian niya ako at lumapit siya akin. Oo nga pala dito rin siya nakatira.

After nung Away na nasaksihan ko between sa kanila ni Alex ngayon ko na lang siya ulit nakita at makakausap. Kapag Magkakasalubong kami sa Hallway lagi ko siyang iniiwasan dahil ayoko ng gulo at tska hindi ko pa naman talaga siya kilala masyado pero napaka gaan ng Loob ko sa kanya.

Hindi ko na rin napapansin si Alex dahil laging wala yung grupo nila kahit si Linus hindi na nakakasama ni Amy, Ang sabi ni Amy may hinahanap silang Tao kaya madalas wala silang Lima. Siguro yon yung next na bubugbugin nila, Hays ang sasama talaga ng ugali pero buti nalang din para hindi na umiinit yung dugo ko sa kanila.

"Balita ko kasama ka sa Contest?" bakit ba kasi ganto mag salita si Ace? napaka mapang-akit na nilalang. "Galingan mo Bukas Cali kasi manood ako" ginulo niya yung buhok ko at ningitian ako.

Manood siya? nananaginip ba ako?

Hanggang ngayon paulit-ulit sa utak ko yung 'Manonood ako!' at hinawakan ko yung buhok ko na ginulo niya. Hindi ko namalayan na wala na pala siya sa harap ko at mukhang tanga ako dito na nakatayo at nakatulala.

"Ayttt kalabaw!" nagulat ako ng tumunog yung cellphone ko sa bulsa.

You receive 2 message from Ijapot ^_^

From: Ijapot ^_^
Besshieee Ginawan kita ng Banner para bukas kaya galingan mo!

From: Ijapot ^_^
Kung wala kang maisip na ipipinta I suggest na kahit ako na lang ipinta mo HAHAHA maganda naman ako!

Nako kahit kailan talaga si Ija napaka supportive pero wait speaking of ipipinta.

"Shit wala pa pala akong naiisip Tsk!" Lumabas ako ng Subdivision at pumara ng Taxi. Ewan ko kung saan ako pupunta pero parang gusto ko pumunta ng Park.

Heart is not EnoughWhere stories live. Discover now