Chapter 1

12 0 0
                                    

CALI'S POV

AUG 14, 2016 | SUNDAY , 7:30PM | MALL

Bukas na yung First day Of Class ko as 4th year College pero ngayon pa lang ako bibili ng gamit. Kanina pa ako pa ikot-ikot sa mall pero wala akong mapiling Bag na gagamitin ko bukas. Pumunta na lang ako ng National Bookstore para bumili ng gamit.

Dapat kanina pa ako nag NBS at bakit ba mas naghanap pa ako ng Bag e' ang rami ko namang bag sa bahay.

Tapos na ako mamili ng gamit at nasa counter na ako ngayon para magbayad. Palabas na sana ako ng napansin ko yung Set ng pang paint at mga brush. Bakit parang inaakit niya ako na bilhin ko siya? "Hindi ka naman marunong mag Pinta cali ano ba!" Inis na sabi ko sa sarili ko.

Habang naglalakad ako bigla akong Nauhaw parang gusto ko ng Zagu. Nagpunta ako sa 2nd Floor para bumili ng Zagu, Ito na lang siguro Dinner ko kasi wala akong gana kumain ngayon.

"Miss isa ngang Chocolate"

"Small, Regular, Large?"

"Large please with Crystal!"

Habang Ginagawa ni ate yung Zagu ko napatingin ako sa likod ko. May mga Babae na nagkukumpulan at mga kinikilig. May Artista kaya?

"Large Zagu Chocolate with Crystal Ma'am!" Nakangiti niyang binigay sa akin yung Zagu. papaalis na sana ako ng may Nabangga ako sa likod ko. "Sorry Kuya!" tumingin ako sa kanya at natulala ako. Ang gwapo niya at kung hindi ako nagkakamali siya yung pinag kakaguluhan ng mga babae kanina.

Tinignan niya ako at ninginitian. Totoo ba Ngumiti siya sa akin?

"Hi Sir. Ace!" Bati nung dalawang Babae sa kanya at parang kinikilig. Ace pala pangalan niya, Suki siguro siya dito kaya kilala siya. "Zagu Large Chocolate with Pearl and Crystal Sir?" sabi nung babae. Ngumiti naman yung Ace sa kanila na mas lalong kiligin yung dalawa.

"Miss may order pa po ba sila?" Tumingin ako sa babae, ako ba yung kausap niya?

"Wala na pero pwede humingi ng Tissue?" sabi ko nalang para hindi ako mapahiya baka mamaya isipin pa nitong gwapo na nasa gilid ko e' pinagmamasdan ko siya. well totoo naman. "Eto Miss!" sabay abot sa akin ng Tissue at umalis na ako.

Parang Mabait at Gentleman yung Ace plus ang Gwapo pa. Naalala ko nanaman yung lalakeng bumangga sa akin sa may Locker tsk ang Bastos tapos pinagkamalan pa akong Janitress.

9PM ang sarado ng mall halos lahat naman nabili ko pero paano ako sasakay nito? Yung Cellphone ko LowBattery na para magpasundo kay Manong Fely tapos mukang wala ng nadaan na Taxi dito kahit Jeep.

Umupo ako saglit kasi kanina pa ako naglalakad makarating lang ng Terminal. Anong oras kaya ako makakarating ng bahay? Tumayo ako ulit at naglakad ng biglang may dumaan na sasakyan at natalsikan ako ng putik. kapag minamalas ka nga naman.

Huminto yung sasakyan at binuksan niya yung binta, masyado ng madilim kaya hindi ko na nakita ang mukha niya sa side mirror.
"Sorry Miss!" Sinara niya ulit yung bintana niya at umalis. Sorry lang? hindi man lang bumaba! kapag minamalas ka nga naman.

"Cali bakit ang malas mo today?" tanong ko sa sarili ko at kumuha ako ng panyo sa bag ko para punasan yung putik sa damit ko.

"Miss okey ka lang?" Lumingin ako at may nakatigil palang puting sasakyan sa harap ko at nagulat ako kung sino yung driver.

Yung lalakeng kasabay ko bumili sa Zagu.

Heart is not EnoughWhere stories live. Discover now