Chapter 2

9 0 0
                                    

CALI'S POV

*ring-ring* *ring-ring*

Kinapa ko yung cellphone ko sa Drawer ko at bigla itong nahulog. Sino ba yung tumatawag? Psssh

*ring-ring* *ring-ring*

Pinilit kong Tinignan yung alarm clock ko pero 5:30am pa lang. Kinuha ko yung Cellphone ko sa Sahig at Tinignan kung sino ang natawag. Si Ija lang pala, bakit naman siya natawag ng gantong oras? excited ba siya pumasok? anak ng tinapa gusto ko pang matulog.

You receive 2 message from Ijapot ^_^

You have a missed call from Ijapot ^_^

*ring-ring*  *ring-ring*

*Incoming Call from Ijapot ^_^*

"Hello? Bakit ba ang Aga mo Tumawag? 5:30am palang!" Inaantok kong sabi na may kasamang hikab.

[ Cali tambay tayo sa Café malapit sa School, doon ka nalang mag breakfast! ]

"Ija kung gusto mo unahan yung guard sige mauna kana at kung gusto mo ikaw na din mag bukas ng Gate ng University!" Inis kong sabi.

[ Ca- ] binaba ko yung tawag niya at nag silent mode ako.

"Ate Cali?" Nagising ako sa Tapik ni Krys. Tinignan ko siya at naka suot na siya ng Uniform.

"Bakit ang Aga mo?" Tanong ko sa kanya. Tumayo ako tumingin sa Wall Clock.

"7 o'clock na?" Tumingin ako kay Krys at tumatawa siya.

"1 hour na lang ate at late ka nanaman sa First day of class mo!" Asar sa akin ni krys. Bumaba na siya para mag breakfast at ako? ayy jusko maliligo pa lang.

Pagkatapos ko maligo Nagbihis agad ako, Naka High waist pants ako at Gray Shirt. Hindi na ako nag suklay kasi 30minutes na lang baka hindi ako umabot sa una kong subject. Mali ba na ni-reject ko si Ija kanina? huhu sana hindi siya mag tampo, mamaya pa namang 3pm yung next naming kita para sa Last subject.

"Kain ka muna Anak?" Inalok ako ni mommy na umupo kaya lang kumuha na lang ako ng gatas sa ref.

"Hindi na po I love you!" Humalik ako sa pisngi ni mommy at ni Krys. Pagkalabas ko ng bahay naka handa na yung kotse at pinag buksan ako ni Mang Fely ng kotse.

AUGUST 15, 2016 | MONDAY, 7:45AM | Ponclara University

after 15minutes nakarating na kami sa School, sobrang raming studyante sa labas.

"Dito na po Tayo Ma'am!" Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na hinintay si mang fely na pagbuksan ako ng pinto. Sumingit agad ako sa pila para madaling makapasok sa loob. Pumunta agad ako sa Locker ko para ilagay ang gamit ko. Shit 10minutes na lang magsisimula na yung first subject ko.

Pag lock ko sa Locker ko Tatakbo na sana ako ng biglang may bumangga sa akin dahilan na mapa upo ako sa sahig. "Aray ko!" hinawakan ko yung balakang ko sa sobrang sakit at tumingin sa naka bangga sa akin.

"IKAW?" hindi ako nagkakamali siya yung Bastos na bumangga sa akin Last week na tinawag akong Janitress.

"Janitress? Oh natapon yung Juice na hawak ko kanina sa Hallway please paki Linis naman baka makita ni Sr. Ed!" Inaasar niya ba talaga ako?. Papaalis na sana siya pero binato ko siya ng Sandals ko. Bigla naman siyang Nagulat kaya bigla siyang humarap sa akin na seryoso ang mukha niya. KAPAL TALAGA NG MUKHA.

Heart is not EnoughWhere stories live. Discover now