〝⋟›∔‹⋞〞ꟼ ᴀ ɢ ᴇ ɪ ᴠ

2.3K 412 436
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ᴍɪꜱᴀᴋɪ'ꜱ ᴘᴏɪɴᴛ ᴏꜰ ᴠɪᴇᴡ𝘜𝘯𝘦𝘴𝘤𝘢𝘱𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘓𝘦𝘢𝘴𝘩

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ɪꜱᴀᴋɪ' ᴘᴏɪɴ ᴏꜰ ɪᴇᴡ
𝘜𝘯𝘦𝘴𝘤𝘢𝘱𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘓𝘦𝘢𝘴𝘩

Nanlaki ang aking mga mata nang maramdamang may humawak sa pisngi ko at iniharap sa kanya.

Malamig pa rin ang kanyang mga mata ngunit nagdudulot iyon ng libu-libong bultahe ng kuryenteng dumadaloy sa magkalapat naming balat.

"Sino ako?" tumigil siya sa pagsasalita at sandaling ngumiti.

(Get lost.)
"I am the one who will kill you if you mess with me again. Kkyeojyeo," malalim, malamig at seryoso niyang sabi. Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng hindi ko mapaliwanag na emosyon.

Ang mga mata niya'y tila nilulunod ako sa kalamigan nito.

Tinapik niya ng marahan ang pisngi ko bago bumitaw at sumakay sa kanyang kotse.

Ilang segundo pa akong napatulala sa kawalan bago ko ikinunot ang aking noo.

He will kill me? Can he?

Tss...

Nakakairita talaga ang lalaking 'to. Sana ito na ang huli naming pagkikita.

Lumingon ako sa paligid upang hanapin ang mga naka-hood na sumusunod sa akin kanina ngunit wala na sila.

Hindi ko pa rin mawari kung paano nila ako nakilala o kung anong pakay nila sa akin.

Iyan ang laman ng aking isipan habang naglalakad ako papunta sa penthouse na hindi kalayuan lamang sa Clandestine.

Tulad ng sinabi ko noon, hindi maaaring lumabas ng school ang mga Sun Division students. Pero may kalayaang maglabas-masok kaming mga kasama sa Moon Division. May dormitory ang Clandestine para sa lahat ng mag-aaral nito ngunit ang kalimitang namamalagi rito ay ang mga tasa-Sun Division.

Temptation of Faith ⋮ ᴏɴ ʜᴏʟᴅ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon