〝⋟›∔‹⋞〞ꟼ ᴀ ɢ ᴇ x ᴠ ɪ ɪ

1.6K 176 30
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ᴍɪꜱᴀᴋɪ'ꜱ ᴘᴏɪɴᴛ ᴏꜰ ᴠɪᴇᴡ𝘓𝘰𝘰𝘬 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘐𝘯𝘵𝘳𝘪𝘨𝘶𝘪𝘯𝘨 𝘚𝘤𝘩𝘦𝘮𝘦𝘴

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ɪꜱᴀᴋɪ' ᴘᴏɪɴ ᴏꜰ ɪᴇᴡ
𝘓𝘰𝘰𝘬 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘐𝘯𝘵𝘳𝘪𝘨𝘶𝘪𝘯𝘨 𝘚𝘤𝘩𝘦𝘮𝘦𝘴

Vacant namin ngayon at kasama ko si Ethann. Nagkita kami sa tapat ng L building at dahil pareho naman kaming walang susunod na klase. Niyaya ako ni Ethann na samahan siya tumambay sa rooftop garden.

Tahimik lang kami habang binabagtas ang daan paakyat ng rooftop. Lunes na ngayon ngunit ramdam ko pa rin ang epekto nang nangyari kagabi.

Kanina pa walang imik si Ethann. Ni hindi sumisilay ang nakakahawang ngiti na parating nakasabit sa kanyang mukha. Ganyan na siya kanina pa. Halatang may malalim na iniisip.

Inalala ko ang mga nangyari kagabi.

° ° °

𝙲𝚕𝚊𝚗𝚍𝚎𝚜𝚝𝚒𝚗𝚎 𝙿𝚑𝚒𝚕𝚒𝚙𝚙𝚒𝚗𝚎𝚜
𝚈𝚎𝚜𝚝𝚎𝚛𝚍𝚊𝚢

"Huwag mong mababanggit ang pangalan ni Tathiana! Wala kang karapatang sabihin ang pangalan niya dahil ikaw ang may kasalanan ng lahat!" sigaw pabalik ni Ethann matapos makabawi sa suntok ni Raizen.

Nilapitan ni Ethann si Raizen ngunit pumagitna na si Wayne sa kanilang dalawa. Si Aidrielle ang pumigil kay Raizen at si ZM ang humarang kay Ethann.

"Ethann," malalim na bigkas ni ZM sa pangalan ni Ethann.

Tumigil si Ethann at napatingin kay ZM. Nabahidan ng panghihinayang ang kaninang poot na nananalaytay sa kanyang mga mata.

"I feel how you feel. It's been five years but we still haven't changed. We're still trapped in the past we still can't let go of," ZM paused and I knew he realized he was overreacting to what he wanted to say.

He took a deep breath before continuing, "Just let this go. We're just carried away by our emotions. Let's just do what we're used to. Let's just ignore each other. As we always do," he concluded, and no longer waited for Ethann's response.

Temptation of Faith ⋮ ᴏɴ ʜᴏʟᴅ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon