ᴍɪꜱᴀᴋɪ'ꜱ ᴘᴏɪɴᴛ ᴏꜰ ᴠɪᴇᴡ
𝘐𝘯 𝘍𝘳𝘰𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘭𝘺 𝘌𝘹𝘦𝘮𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯Ang lahat ay natahimik at hindi makagalaw sa sinabi ni Cross. Sina Aidrielle at Wayne ay kapwa nag-iwas ng tingin na tila ba nasilaw sila sa sinabi ng kaibigan. Si ZM naman ay nakatungo lang habang matamang tinititigan ang mga damong sumisibol sa lupa. Samantalang tila nabuhusan nang napakalamig na tubig si Raizen at nanigas sa titig ni Cross.
"Guys..." buo dapat ang nais kong isatinig ngunit bulong ang kinalabasan nito.
The atmosphere between us is terribly awkward. We don't know what we're going to say to tone down these unpleasant feelings that are lingering in the air.
"Uhmm... Lalabas muna ako. Titignan ko lang kung ano nang nangyayari sa labas ng gazebo," pagpapaalam ni Wayne.
Kahit na may bahid nang pang-aalalangan ay nagawa pa rin ni Wayne na pawiin ang nakakasakal na hangin sa pagitan naming lahat. Nilapitan ni Aidrielle si Raizen upang tulungang tumayo habang humarap naman si ZM kay Cross.
"Cross, samahan mo muna si Wayne. Cool off," mahinahong payo ni ZM kay Cross.
"Bakit ako? Sabihin mo 'yan kay Raizen. Siya itong unang nanuntok sa akin," reklamo ni Cross matapos ay tumalikod sa kanila't naglakad palapit sa akin.
Napaayos ako nang tayo sa pag-aakalang sa akin siya pupunta. Ngunit ni hindi niya ako pinukulan nang tingin. Dumire-diretso si Cross at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin at napagtantong tumuloy siya sa loob ng gazebo't humiga sa mahabang upuan na naandoon.
"Ako na lang ang aalis. Kasalanan ko naman talaga," narinig kong nagsalita si Raizen kaya napabaling ako sa kanya.
Nakita kong tinapik-tapik siya sa balikat ni Aidrielle na para bang dinadamayan siya nito.
"Okay ka lang ba?" may halong pag-aalala ang tanong ni Aidrielle na bigo namang maging masaya para sa kaibigan.
May pighating ngumiwi si Raizen sa kanya at hindi sinagot ang tanong. Daglit siyang tumingin sa akin at pinilit lawakan ang kanyang ngiti. Ibig niya sigurong ilihim sa akin ang kanyang tunay na nararamdaman. Bigo naman siya.
BINABASA MO ANG
Temptation of Faith ⋮ ᴏɴ ʜᴏʟᴅ ⋮
ActionHighest Ranks #27 Action #1 Cross #18 Faith #1 Loser #19 Anime #6 Rival #1 Darkside #73 Action-romance #18 BTS #5 OneTrueLove #2 Defeat #1 Shinobi Si Ayuzawa Misaki ang tagapagmana sa trono ng pamumuno ng samahanang bin...