Chapter 3: A Whore?

522 21 1
                                    

👑💕Hello Tiaras!!🙋‍♀️🙋‍♀️ I just want to informed you that Ruthless Assassin book one reached 100k reads and Book two reached almost 40k reads already. Keep on supporting, thank you❣️💕👑

YUYAN

I wake up in the morning wearing this unpainted face. Even if the kids greeted me and kissed me on the cheeks, can't erased this thing on me. I feel pissed! I was like a bomb, that anytime will explode. Like a match, in just one scratch will lit up.

I send the three to Lordsville alone. Its their first day in school, yet their father has no presence. Kahit man lang mag-text na hindi siya makakauwi kagabi ay hindi niya nagawa. I was called him for almost fifthy times, but his phone just keep on ringing and ringing. Halos madurog ko na ang cellphone ko kakatawag sa kaniya.

Ngunit sa kabila ng nararamdaman kong inis sa kaniya. Hindi ko maiwasang mag-alala. Mas nanginhibabaw parin ang pag-aalala ko, baka may kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Napahigpit ako ng hawak sa manibela habang binabaybay ang daan patungo sa Sandoval building. Para makasigurong maayos lang ang lagay ng asawa ko, mas mabuting puntahan ko na lang siya.

Ipinarada ko na ang sasakyan ng marating ko ang Sandoval Building. Naagaw ko kaagad ang atensyon ng mga empleyadong papasok ng kompanya. Sinong hindi magtataka na ang may-ari ng pinakasikat at katunggali ng kompanyang pinagta-trabahuan nila ay naglalakad patungo sa loob ng gusali?

Hindi pa sana ako papapasuking ng mga guwardya, ngunit sinamaan ko lang sila ng tingin ay nagbaba na sila ng mukha. Ayaw kong makipag-palitan ng salita ngayon, kaya kung ayaw nilang madamay sa inis ko mas magandang padaanin na lang nila ako.

Nagtungo ako sa tapat ng elevator na papasara na sana, nang iharang ko ang kamay ko at pumasok dito. May mga kasama ako sa loob, mga nasa lima sila at ramdam ko ang mga tingin nila. Tinapunan ko naman sila ng tingin at isinuksok ang dalawang kamay sa trousers ko. Mabilis pa sa alas-kuwatro kung magbaba sila ng tingin, pagkatapos ay nagbulungan.

"Siya 'yung may-ari ng Grand Cresent Hotel at Imperial Group, hindi ba?"

"Kaya nga, ano naman kaya ang ginagawa niya dito?"

"Business partner ba siya ni Mr. Sandoval."

"Hindi, gaga! Hindi ba't ni-reject niya si boss kaya isang linggo tayong pinag-initan."

"Ay! Tanda ko nga!"

"Nakakapagtaka naman na nandito siya."

Napairap ako ng wala sa oras at tumikhim bago lingunin 'yung mga babaeng kanina pa ako pinag-uusapan.

"Tsk! Kung magbubulungan kayo, siguraduhin niyong wala ako sa harapan niyo." Seryosong wika ko at humarap na kasabay ng pagbukas ng elevator.

Mabilis na lumabas 'yung tatlong babae at may humabol pang isa. Napailing na lang ako at huminga ng malalim. Ngunit kumunot ang noo ko nang may maramdaman akong presensya sa aking likuran. Napansin kong may kasama pa pala ako sa loob dahil kitang-kita ko sa makintab na elevator ang repleksyon niya.

Ang nagpakunot lalo ng noo ko ay nang may maramdaman akong humahaplos sa aking puwetan. Marahan kung haplusin niya ito at nang tignan ko ang repleksyon niya sa salamin ay nakangisi lang ito at tila nagugustuhan ang ginagawa.

Ngumisi ako habang nakatingin parin sa repleksyon niya habang sarap na sarap sa paghawak sa aking puwetan. "Feeling good?" Tanong ko.

Mabilis naman siyang tumango.
Nakangisi parin ako ng mga sandaling iyon, habang siya ay napapapikit na.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK III]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon