Chapter 7: The Unknown Man

448 16 19
                                    

YUYAN

KUMUNOT ang noo ko habang pinagmamasdan ang kambal na kumakaway sa isang lalaking naglalakad na palayo sa dalawang bata. Kitang-kita sa mga mukha ng kambal ko ang saya nang tumalikod at naglalakad na patungo sa kinaroonan ko. Habang ako ay ibinaling muli ang tingin sa lalaking sumakay na ng puting sasakyan.

Hindi ko kita ang mukha nito, dahil nakasuot ito ng hoodie jacket at nakatalikod ito. Ngunit may katangkaran at katamtaman ang pangangatawan nito.

Sandaling naputol ang pag-iisip ko tungkol sa lalaki, dahil biglang may humagkan sa aking mga hita. Yumuko ako't nakita ang kambal na nakangiting nakatingala sa akin.

"Naghintay po ba kayo ng matagal, Mommy?" Tangong ni Riyu.

Umiling naman ako ginulo ang buhok ng dalawa. Bago muling ibaling ang tingin sa papalayong sasakyan. "Next time, don't talk to strangers. Do you understand?" Ani ko at sabay tingin sa dalawa.

Mabilis naman ang kanilang pagtango kaya minabuti na naming sumakay ng sasakyan at hinintay si Colton. Dahil mas maaga naman ang uwi ng kambal.

Mga ilang minuto lang ay natanaw ko na si Colton na naglalakad palabas ng gate kasama si Katrina. Kaya minabuti ko nang lumabas ng sasakyan upang abangan siya.

Palapit na sana ako sa kinaroroonan niya nang may tatlong binatilyong lumapit kay Colton at kinuwelyuhan ito. Si Katrina naman ay todo awat sa dalawa. Mabilis naman akong lumapit sa kinaroroonan nila at tumikhim.

Mukhang napansin ako ni Colton dahil napatingin siya sa akin, dahilan upang mapatingin din ang mga kasama niya.

"Get your hands off of him." sambit ko sa binatang may hawak sa kwelyo ng anak ko.

"M-Mom." nauutal na wika ni Colton.

"Ma'am kayo po pala." wika naman Katrina.

Tinanguan ko lang siya at ibinaling ko ang tingin sa binatang may hawak sa kaniya. "Did you hear me?" tanong ko. "Get your hands off of him, or I'll call your parents and make them teach you a lesson." dagdag ko dito.

Mabilis naman ang paglunok nito at agarang binitawan ang anak ko. Ngunit bakas sa mukha nito ang banta na nagsasabing hindi pa sila tapos at umalis na lamang.

Pinagmasdan ko lang silang papalayo bago balingan ng tingin qng dalawa. "Ilang linggo ka pa lang sa Lordsville pero lapitin ka na ng gulo, Colton. I'll call your Tita Sheenah for this. I won't let this happen again." pag-bibilin ko.

Tumango lamang ito nang magsalita si Katrina.

"Pasensya na po Ma'am. Ako po ang may kasalanan. Ex-boyfriend ko po yung si Mathew." pagpapaliwanag nito.

Huminga ako ng malalim at binalingan siya ng tingin. "Sa susunod na may ganitong nangyayari, mag-sabi kayo sa faculty. At kung maaari, iwasan niyo ang gulo. Baka sa susunod hindi lang ito ang mangyari sa inyong dalawa." paliwanag ko. "Hindi sa anumang oras mayroong taong nasa tabi niyo para awatin kayo o iligtas kayo sa anumang gulo." dagdag ko.

Mabilis naman siyang tumango at nilingon si Colton na tahimik parin.

"Binastos po kasi ako ni Mathew. Iniligtas lang po ako ni Colton kaya napag-initan siya." paliwanag ni Katrina.

Tumangi ako at binalingan si Colton. "What you did is right, son. But still ayaw kong may mangyaring masama sainyo. Kaya kung maaari umiwas kayo." pagbibilin ko.

Muli naman silang tumango.

"Let's go. Sumabay ka narin sa amin Katrina." yaya ko dito, hindi naman siya tumanggi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK III]Where stories live. Discover now