Chapter 5: Katrina

490 19 0
                                    

YUYAN

I CROSSED my leg as I looked at the two who is still bowed and keep on fiddling their fingers. Kakatapos lang naming maghapunan at ngayon ay kailangang magpaliwanag ni Colton ukol sa nangyari kanina. Kasama parin namin 'yung babaeng kasama niya, na si Katrina.

Huminga ako ng malalim bago magsimula. "Explain." May awtoridad kong wika.

Napa-angat ng mukha si Katrina at nilingon si Colton na nanatiling nakayuko.

"Uhm... Ako po ang may kasalanan kung bakit po kami napunta sa lugar na 'yon." Panimula ni Katrina. "Kaibigan ko po kasi ng isa sa mga naroon, pinipilit po akong isali sa gang." Aniya at nilingon muli si Colton. "Sinubukan lang po akong pigilan ni Colton, ang kaso bigla na lang pong sumulpot 'yung grupo ni Kevin. Kaya iyon po ang nangyari." Paliwanag nito at muling yumuko. "P-Pasensya na po kayo at pati po si Colton ay nadamay." Paghingi nito ng despensa.

Hindi ako nagsalita at binalingan ng tingin si Colton na ngayon ay nag-angat na ng mukha. "I was just trying to help her, Mom. It was a dangerous gang. Wala naman po masama 'yung ginawa ko." Anito.

Tumango ako. "What you did was right, Son." Pag-amin ko na ikinaliwanag ng mukha ng dalawa. "Pero huwag mo namang ilagay ang sarili mo sa kapahamakan. Paano kung hindi ako dumating doon? Baka may gripo ka na sa katawan or worst hindi na kita maabutang buhay?" Sambit ko na ikinatungo niya.

"I'm sorry, Mommy." pag hingi nito ng despensa.

"P-Pasensya narin po Ma'am." Wika ni Katrina.

Huminga ako ng malalim at tumayo na. "I don't want this to happen again. Did I made my self clear, Colton?" Tanong ko.

Tumango ito. "Opo, Mommy." Aniya.

Nilapitan ko siya at ginulo ang buhok nito. "Don't make me worried again." Sambit ko at tinignan si Katrina. "It's getting late. Where do you live, para maihatid ka na namin?" Tanong ko.

Nanlaki ang mata nito at iwinagayway ang kamay. "Naku! Huwag na po Ma'am. Malapit lang naman po dito ang bahay namin." Pagtatanggi nito.

Mabilis namang napatingin sa kaniya si Colton. "Akala ko ba sa kabilang kanto pa ang bahay niyo?" Nagtataka nitong bulong, ngunit dinig ko naman.

Napansin iyon ni Katrina at bahagyang nagkamot ng batok. "Walking distance lang naman, e." Aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "You want to walk for about kilometers?" Nagtatakang tanong ko na naging dahilan para maguluhan siya.

Tinignan ko si Colton na parang hindi pa nag-sink-in sa utak niya 'yong sinabi ko. "Son, we're living in Emperor's Village. Sigurado ba siyang lalakarin niya lang?" Tanong ko.

AngEmperor's Village kasi ay nasa mahigit Pitong-pung ektaryang lupain. At para makalabas ng Village ay kailangan namin ng mga sasakyan. Kung lalakarin lang ni Katrina, baka bukas na siya maka-uwi.

Mukhang nakuha naman ni Colton ang nais kong iparating at tinignan si Katrina. "Kat, malayo-layo ang kantong sinasabi mo." Aniya at tumayo. "M-Mom, can you let me drive?" Nag-aalangan nitong tanong.

Mabilis naman akong umiling. "Akiro will drive her home." Nagulat pa siya nang malamang dumating si Akiro. "You can go with him." Dagdag ko at tinawag si Akiro.

Nang dumating si Akiro ay nagpaalam na sa akin si Katrina. Ilang beses pa siyabg humungi ng tawad dahil sa nangyari ngunit tango lamang ang lagi kong sagot.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK III]Where stories live. Discover now