Chapter 6: Paul

604 28 15
                                    

YUYAN

MY FOREHEAD creased while watching the video had Makoto's emailed me. Hindi ko alam kung ano ang maaaring paliwanag sa nangyari sa video. Kung iyong babae ba ay kilala ang lalaking nasa video o hindi.

Makikita kasi sa video na matamis ang ngiti ng babae habang nakatingin sa lalaking palapit sa kaniya. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki dahil naka-sumbrero ito ng itim na medyo natatakpan ang mukha. Pero binabase ko nga sa ngiti ng babae na parang kilala niya ito.

Hanggang sa magtabi ang dalawa. Mukhang nag-usap pa ang dalawa hanggang sa bigla nalang nawalan ng malay iyong babae. Habang ang misteryosong lalaki naman ay luminga-linga sa paligid. Nang masigurong walang tao ay dali-dali niyang binuhat ang babae patungo sa isang sasakyang itim. Hanggang sa mawala na sila sa video.

Napahilamos ako ng mukha. Ilang beses ko ng napanood ito at ngayon ay may impormasyon na ako. Ang kaso nga lang ay tungkol sa tatlong babaeng unang naibalitang nawawala.

Nagawi ang tingin ko sa tatlong profile na nasa ibabaw ng mesa ko at kinuha ito. "Aimie Castro, 18 years old. Holly Mejia,  18 years old, Wendy Quijano, 18 years old." Basa ko sa mga pangalan nila. Kung susuriin ay pare-pareho ng edad ang tatlo.

Napatingin ako sa profile ng babaeng nasa kaliwang bahagi ng mesa. "Bless Victorio, 20 years old." Basa ko. Siya ang babaeng nasa video kanina na may kasamang lalaki.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung konektado ba ang tatlo sa babaeng nasa video. Tanging si Bless lamang ang nakuhan ng video, maliban sa tatlo. Maraming posibilidad na hindi sila biktima ng isang kidnapan. Pero hindi ko rin masasabi.

Tsk! Why I am being a detective here all of a sudden?

Sandaling naputol ang iniisip ko nang bumukas ang pinto ng aking opisina. Dumungaw ang mukha ni Akiro bago pumasok.

"I already sent them to school, Lady." Aniya at bahagyang yumuko. Siya kasi ang inutusan kong maghatid sa tatlo, dahil kailangan kong mag-isip tungkol sa misyong ipinapagawa sa akin ni Makoto. Habang si Gunner naman ay maagang umalis dahil kailangan siya sa opisina.

Tumango lamang ako nang mapansin kong may sasabihin pa siya. Kaya tinignan ko lamang siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Elaine called, Lady." Anito.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi siya sa akin tumawag?" Nagtatakang tanong ko. Elaine is my secretary.

"Check your phone, Lady Yuyan." Anito.

Napatingin naman ako sa cellphone kong nasa ibabaw lang. Halos mapangiwi ako nang mapansing naka-silent mode ito at marami ngang missed calls. Huminga na lang ako ng malalim at kinuha ito. Tinipa ko ang numero ni Elaine at kumunot na lang ang noo ko nang marinig ang sinabi niya sa kabilang linya.

Napahigpit ang hawak ko sa telepono at tinignan agad si Akiro. "Tawagin mo si Aeronella, may pupuntahan tayo." Sambit ko.

NASA sasakyan na kami habang binabaybay ang daan patungo sa Imperial building. May problema ngayon sa hotel at kailangan kong iresolba ito. Panay ang buntong-hininga ko habang hinihintay na makarating kami. Ramdam kong alam ni Akiro ang sitwasyon ko ngayon dahil mabilis ang pagmamaneho niya. Habang si Aeronella naman ay tahimik lamang habang nasa harap ng laptop niya.

Nang makarating kami sa Imperial building ay taas-noo akong naglakad papasok. May mga bumati pa sa akin ngunit diretso lamang ang tingin ko at hindi sila binati tulad ng kadalasan kong ginagawa.

Hanggang sa marating namin ang conference room kung saan naghihintay ang lahat. Pinagbuksan kami ni Akiro ng pinto kaya pumasok na ako. Nakasunod lang ang dalawa sa ako. Nagsitayuan at bahagyang yumuko ang nasa labin-limang kawani ng Imperial Group.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK III]Where stories live. Discover now