Sana 17

76 20 0
                                    


Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng mag simula ang pasukan, ayos naman kahit papaano yung mga classmates ko. And friends na kami ni Ava, she's like Carla much younger version. Madaldal, hilig ang boys and hilig ang gimik.

Sa school kami madalas ang mag kasama ni Ava kaya mas lalong ilag samin ang mga babae naming classmates. Ava is a bit of bitchy compare to Carla, si Ava sobrang bitch niya but napapansin kong mabait siya sakin. Sakin lang talaga.

Madalas siyang mag kwento sakin about sa mga boyfriend's niya tuwing may time kami. At tuwing may group works gusto niya lagi kami magka group, pag di kami magka group nagawa talaga siya ng paraan.

Well hindi ko naman masasabi na kaya siya nadikit sakin para lang tumaas ang grade niya, masasabi ko rin naman na matalino siya yun nga lang ma-attitude talaga siya.

It's the first week of July but hanggang ngayon hindi parin nag papakita sakin si Benedict. Well sometimes he text me or call me pag may time siya minsan pinapadalhan niya ako ng mga text like "goodmorning", " good evening ", " good afternoon", "kumain ka na ba?" And so on and so on.

Pero hanggang duon lang yung ginagawa niya hindi parin kami nagkikita, well ayos din naman sakin dahil medyo nagiging hectic na ang schedule ko dahil may mga projects ng dapat gawin at mga research.

At ngayon tanghali nga nandito kami ngayon sa big library ni Ava nag hahanap ng libro about sa research. Well parang ako lang din naman ang nag hahanap kasi si Ava nakain lang ng lollipop niya habang nasunod sakin.

"Hey B, punta tayong college department mamaya." Pag aaya ni Ava habang patuloy parin sa pagkain ng lollipop niya.

"Huh? Anong gagawin natin dun?" Pag ta tatakang tanong ko sakanya.

"Like hello? My recent boyfriend is a college man so pupuntahan ko siya later." Sarcastic na sabi nito.

"And besides wala naman na tayong class later, so might as well bago ka umuwi daan muna tayong college campus."

"Okay fine." Pag sang-ayon ko sa sinabi niya.

Matapos naming mahiraman yung libro para sa research namin dumiretso naman kami sa college campus. Hindi hamak na mas malaki itong campus na ito kaysa sa campus namin.

Ang bawat mga building dito ay may touch ng Spaniards sabi nila panahon pa lang daw ng espanyol nandito na ang eskwelahang ito. Katulad din ng mga building dito sa college, ang campus ng senior high. Ang school na ito ay isang private school na ipinatayo daw ng mga prayle noong araw para sa mga binatang nag aaral. Ngayon ay naging paaralan na ito para sa parehong kasarian.

Ang nag mamay-ari ng paaralang ito ay isang pari at ang paring ito ay ninuno niya ang isa sa mga prayleng nag tatag ng paaralang ito.

Nang makarating kami sa building ng engineering nag paiwan na lamang ako sa harapan ng Building. Pumayag naman si Ava at nauna na sa building samantalang ako umupo na lang ako sa isa sa mga bench dito sa harap ng building.

Habang nag babasa ng librong hiniram namin sa Library nagulat na lamang ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"B!" Tawag sa akin ni Francis napatigil naman ako sa pag babasa at nginitian siya.

"Hey Francis! Long time no see." Bati ko rito. Totoong halos isang buwan na kami hindi nag kikita simula nung nag kaaway away kami ngunit napatawad ko na rin naman sila.

"Dito ka na pala nag aaral!" Gulat na saad nito bago umupo sa tabi ko.

"Yeah, good to be here."

"Anong ginagawa mo dito sa college campus by the way?"

"Sinamahan ko yung friend ko rito sa engineering department."

Sana ✔Where stories live. Discover now