Sana 34

82 24 0
                                    


"Paanong nangyari yan? Kailan pa?" Pag tatanong ni Tito Elroy, alam kong pinipigilan niya lang ang galit niya sakin.

"Elroy naman wag mo ng pagalitan, nangyari na eh, wala na tayong magagawa." Pag tatanggol na sabi pa ni Nanay.

"Pero ate naman,alam mo naman yung kalagayan ni B!"

"Wag na kayong mag away diyan, sabihin na lang natin na blessing din ang pag bubuntis niya." Sabat ni Grandpa.

"Dad naman! Isipin niyo naman yung kalagayan ni B! At lalo na ngayon na buntis pa siya! Makakasama sakanila ang sakit ni B!"

"Elroy wag ka naman ganyan mag isip, blessing ang baby ni B." Sabi pa ni Tito Erik.

"Alam na ba ni Henry na buntis ka at si Benedict ang ama?" Tanong ni Tita Bea sakin.

"Yes po." Naka tungong sagot ko.

"Aba dapat lang! Karapatan niya ring malaman yun at eto bang si Benedict alam niya na?" Pag tatanong pa ulit ni Tito Elroy.

"Hindi pa, hindi niya na kailangan malaman pa."

"At bakit hindi naman hija?"

"Hindi rin naman sure if mabubuhay pa tong--"

"Juliana Barbara Aquino Benitez! Stop saying that! Mabubuhay ang bata!"

"But what if hindi?! Aasa na lang ba ako? Kami? Please stop saying na makakayanan kong isalba ang operasyon ko!"

"You know guys stop it! Mapapasama lang kay B ang usapan na to, let her rest okay?!" Sabi pa ni Tita Bea. Tumungo tungo naman si Grandpa bilang pag sang ayon kaya naman inutusan na nila akong pumunta sa kwarto ko.

Nandito ako ngayon sa San Sebastian sa bahay ni Grandpa Juan, at halos kumpleto ang pamilya namin father side man o mother side dahil sa revelation na nangyari kani kanina lang.

Hindi ko pa alam kung anong balita kina Ava at Carla kung naka usap ba nila si Benedict, kung alam na ba ni Benedict na buntis ako at siya ang ama? I hope na hindi pa.

Kinakabahan ako and at the same time natutuwa na malamang buntis ako but tuwing naaalala ko ang operasyon ko parang nag sisisi ako na nabuntis pa ako.

What if hindi ko makayanan ang operasyon? Anong mangyayari sa baby ko? Hindi ba at mamamatay siya kagaya ko? Ayoko naman atang gawin yun sa anak ko.

"Juliana? May I come in?" Pag tatanong ni Grandpa sa may labas ng kwarto ko. Pinapasok ko naman siya.

"Are you alright Juliana?" Pag tatanong niya sakin at umupo sa tabi ko.

"I don't know Grandpa what to feel." Sagot ko pa sakanya.

"You don't have to be afraid Juliana, the baby is going to be okay and please tell Benedict that you're pregnant and he's the father karapatan niya ding malaman ang tungkol sa bata."

"But what if ayaw niya ang baby? Lolo he has a girlfriend! Ayokong manira ng relasyon."

"But hindi mo ba naisip na baka gusto niya rin naman at hindi purket may girlfriend siya hindi niya paninindigan yang bata. Be positive B alam kong deep inside Ben na mahal ka pa rin niya."

They day Grandpa said that napag isipan ko, I should tell him na buntis ako at siya ang ama. Kahit na gusto niya man yung bata o hindi sasabihin ko pa rin sakanya.

Grandpa's right, karapatan niya pa ring malaman dahil siya ang ama. Kinabukasan din ay nag pasama ako kay Nanay pumunta sa Manila. Alam kong naistorbo ko ang honeymoon nila ni Tito Luke but ayos lang daw dahil para sakin naman daw ang dahilan. Thankful din ako kay Tito Luke na naunawaan niya ang situation ko ngayon.

Sana ✔Where stories live. Discover now