Sana 24

65 20 0
                                    


Nung Monday din na yun ng umaga sinundo nga ako ni Benedict sa bahay. Pinag almusal pa nga siya ni Nanay dun at ang loko gustong gusto naman. Para ngang hindi kumain sa bahay nila at gutom na gutom pa pag punta rito.

At nang makarating naman kami sa school hinatid niya muna ako sa classroom namin na kinalingon at pinag bulungan ng mga estudyante rito.

Ewan ko ba sa lalaking to sabi ng wag na akong ihatid sa classroom nag pupumilit parin. Ayan tuloy pinag uusapan na naman kami ng mga tao rito.

"Susunduin kita mamaya rito."

"Ha bakit? Wag na at baka may klase ka pa o hindi kaya ay may meeting."

"Nope wala naman but text kita kung meron okay?"

"Okay."

"Bye na, love you."

"Bye." Tumalikod na ako sabay pasok sa classroom na kung saan pinag titinginan ako ng mga classmates ko.

Naupo ako sa tabi ni Ava na parang wala namang pakialam kung nandito kanina si Benedict, sana katulad nalang sila ni Ava yung mga classmates ko yung walang pakialam.

Matapos ang klase namin na pinag bubulungan parin ako ng mga classmates ko dahil nga sa boyfriend ko ang SSG president ng college.

May mga lumapit pa nga sakin para makipag plastikan natinataboy naman ni Ava. Pasalamat na rin kay Ava at nataboy niya yung mga yun, Hindi ko pa man din alam kung paano makipag usapa sakanila. Nakaka panibago.

"B tara labas!" Pag aaya ni Ava.

"Hihintayin--" Hindi ko pa man matatapos ang sasabihin ko ng nakita ko sa phone ko na nag text si Benedict at nag sasabing hindi niya ako masasabayan dahil may biglaang meeting sila.

Wala rin naman akong nagawa kundi sumama kay Ava sa canteen, ayoko din naman magpaiwan dito at mamaya kuyugin ako ng mga classmates ko.

Dumiretso naman kami ng canteen medyo madami lang ang tao kaya medyo hindi nakakatamad pumila para bumili ng pagkain.

Sa wakas ay nakabili na kami ng pagkain ay nag hanap naman kami ng mauupuan. Salamat na rin at naka hanap kaagad kami ng mauupuan kaya kaagad na kaming pumunta dun.

Panandalian lamang kaming nag usap ni Ava at pinag patuloy namin ang pagkain ng biglang tumigil sa harapan ng Mesa namin yung isang babae.

Sa tayo palang nito masasabi mong maarte siya, maputi, maganda ang hubog ng katawan, hanggang balikat na buhok at kitang kita sa mukha niya na mahilig siya mag lipstick sa pula ng labi niya.

"Barbara Benitez right?" Pag tatanong nito at tanging tungo lamang ang naisagot ko. Sino ba siya? Anong kailangan niya? At bakit kilala niya ako? Umupo naman siya sa tabing upuan ko bago siya muling nag salita.

"I'm Angel De Castro,fiance ni Benedict." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Fiance?! Siya? Siya yung babaeng gustong ipakasal ng Daddy ni Benedict sakanya.

"And I heared form the rumors that you are the so called girlfriend ni Benedict."

"Not so called, girlfriend talaga siya ni Benedict." Dipensa naman ni Ava pero parang wala itong narinig at pinag patuloy ang sasabihin.

"Let me remind you na ako ang fiance ni Benedict and you, your just a so called girlfriend at hindi naman talaga siya seryoso sayo kaya please if ayaw mong masaktan wag ka na mag pagamit sakanya or else..."

"Or else what?" Pag tatanong ni Ava.

"Nothing just wag ka na mag ilusyon pa." Sabi nito bago tumalikod at nag lakad papaalis.

Sana ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon