Sana 28

65 21 0
                                    


Sa mga makalipas na araw puro date lang ang naging bonding namin ni Benedict. Minsan na dalaw kami kay grandpa, minsan sa bahay ng mommy niya at minsan din naman nasa amin siya.

One week na lang at mag no-november na at malapit na mag pasko! Naka ilang monthsary na rin kami ni Benedict at suportado pa ito nila Nanay at ng mommy ni Benedict.

Nag ii-scroll ako sa Facebook ng magandang memes na pwedeng i-share ng maka tanggap ako ng chat mula kay Ava.

Ava Rodriguez

Kita tayo sa lumang building ng fine arts. 7:30 sharp.

Huh? Bakit kaya? May problema ba to at pinapapunta akong school. Buti nalang nandito pa ako kina Grandpa kaya makakabalik pa ako ng mas maaga sa school.

Nang mag bandang 7 na ay bumiyahe na ako pabalik ng school, kabababa ko lamang sa Jeep ng tumawag sakin si Benedict. Kaagad ko rin naman itong sinagot.

"Hoy nasan ka?" Bungad na tanong sakin ni Benedict.

"Nasa school." Sagot ko naman.

"Anong ginagawa mo rito? Gabi na."

"Ikaw rin naman nandito pa!"

"Kasi kakalabas lang namin galing klase, bakit mag klase ka parin ba ngayon?"

"Wala na, makikipag kita sakin si Ava."

"Saan naman?"

"Sa fine arts building."

"Anong oras na oh! Bakit daw?"

"Mag sasabihin daw ata, saka mukhang may problema."

"Gusto mo bang hintayin na kita? Sabay na tayo umuwi."

"Sige ba, bye na nandito na ako."

"Bye." Nang maibaba ko naman ang tawag ay siya namang pagdating ko sa dine arts building. Tahimik na ang paligid marahil ay dahil gabi na rin at onti na lang ang nag ka-klase ng ganitong oras.

I te-text ko pa lang sana si Ava kung saan sa fine arts building ng sakto namang mag text ito sakin. Naka saad dun na pumunta daw ako sa third floor dahil nandun siya.

Nang tumingin naman ako sa taas kung nasaan ang third floor wala namang bukas na ilaw sa taas. Pinag tri-tripan ba ako ni Ava? Kung pinag tri-tripan niya ako hindi ito nakaka tawa.

Saktong pag akyat ko sa second floor ng tawagan ko ang cellphone ni Ava. Nag ri-ring lang ito at walang nasagot. Pag dating ko sa third floor siya namang pag lakad ng ring hanggang sa makarating ako sa dukong classroom ng third floor. Nang buksan mo ang pinto ang pinto ay nakita ko sa teachers table ang cellphone ni Ava lalapitan ko na sana ito ng bigla nalang may humatak sa buhok ko dahilan ng pag sigaw ko.

"Ano sigaw pa? Masakit ba? Kulang pa yan!" Mas lalo akong napa sigaw sa sakit na sabunot ang nadama ko.

"Diba sabi ko naman kasi sayo! Ang akin! Akin lang wag ka ng maki agaw epal ka rin no?"

"Hindi naman siya sayo!" Kahit nang hihina ay nagawa ko paring sumigaw.

"Oh? Ano sa tingin mo? Sayo siya purket gusto ng Nanay niya sayo puwes nag kakamali ka!" Mylu niya akobgg sinabunutan na mas lalong kinasakit ng ulo ko.

"Alam mo sa hindi mo pag sunod sakin may nadadamay na iba." Matapos sabihin yun ni Angel ay siya namang pag labas ng mga lalaki sa dilim kasama si Ava.

Nakita ko si Ava na halos bugbog sarado na at suot ang uniform namin na halos gulagulanit na at sira sira na kita na nga ang panloob niya na damit. Napaluha na lang ako sa nakita ko, ang kaibigan ko.

Sana ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora