Sana 26

73 20 0
                                    


Hinihipan ko ang mainit na sabaw ng sinigang na luto ni Tita Esther. Ang sarap talagang mag luto ni Tita. Buti nalang mag dinalang ulam dito si Tita Esther kundi wala kaming kakainin ni Benedict.

"Ubusin mo na yan para makainom ka na ng gamot." Paalala niya sakin.

"Oo na, saglit lang naman ninanamnam ko pa yung pagkain." Reklamo ko. At ng matapos ko naman ang kumakain ko at uminom na ako ng gamot.

Tinulungan ko rin naman siyang mag hugas kahit medyo nahihilo ako dahil na rin sa sakit ko. Matapos noon ay nanood naman kami ng TV sa sala. Anong oras plang ngunit antok na ako epekto to ng lagnat ko. Ngunit ayoko pang matulog.

"Matulog ka na." Rinig ko pang sabi ni Benedict.

"Ayoko pa."

"Matulog ka na, paano kagagaling niyan?"

"Eh!"

"Bahala ka nga diyan ang kulit mo."

"Galit na yan."

"Hindi no." Sagot niya. Diretso parin ang tingin sa TV.

"Talaga ba?" Pangungulit ko.

"Oo nga, ang ligalig mo kamo."

"Sorry na." Sagot ko na lamang at binalik ulit ang tingin sa TV. Nang mag commercial ay bigla na lamang may pumasok na tanong sa isip ko. Gusto ko sanang itanong sakanya kaso nahihiya ako.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong niya. Na hulaan ata nito nasa isip ko.

"Meron akong gustong itanong kaso nahihiya ako."

"Itanong mo na."

"Nahihiya nga ako."

"Itanong mo na sabi--"

"Nakipag sex ka na ba sa nga previous girlfriend mo?" Putol na pag tatanong ko sasabihin niya sana kanina. Para naman siyang nasamind sa sarili niyang laway bago tumingin sa direksyon ko ng nanlalaki ang mga mata.

"Seriously?" Tanong niya.

"Oo hindi naman mag seselos, promise." Paniniguradong sagot ko pa.

"B, wag na nga natin pag usapan to."

"Bayan! Kj mo naman! Sagutin mo lang naman yung tanong ko."

"B--"

"Wala ang kj mo!"

"Oo." Napatigil naman ako sa pag sasalita ng mag salita rin siya.

"Oo kako." Sagot niya ulit.

"Oo saan? Na kj ka?"

"Oo sa previous girlfriend ko dati nakipag sex na ako,okay na?"

"Anong feeling?"

"What the?! B?!"

"Sagutin mo na kasi!"

"Ewan nga sayo!" Singhal niya sakin bago pabalibag na tumayo at pumasok sa CR. Natawa naman ako sa ginawa niya, narinig ko naman siyang nag mura kaya mas lalo akong natawa ng malakas. Nag hjntay naman ako ng halos isang oras para lumabas siya pero mag aalas nuwebe na hindi parin siya na labas sa CR. Ano naman kayang ginagawa ng lalaking to? Aba isang oras na siya dun sa CR.

Sa inip ko nauna na akong pumasok sa kwarto ni Benedict at nahiga naman ako sa kama ngunit nawala na ata ang antok ko kakahintay kay Benedict.

Narinig kong nag bukas ang pinto ng kwarto kaya nag panggap akong tulog. Naramdaman ko naman ang pag galaw sa kabilang side ko kaya alam kong nandito siya. Pero gumalaw ito at naramdaman ko siyang umalis. Kaagad naman akong tumihaya ng higa matapos ay bumangon ng higa.

Sana ✔Where stories live. Discover now