Sana 25

72 21 0
                                    


"Okay class dismiss." Huling sabi ng teacher namin bago lumabas ng classroom. Nakatingin lang ako sa labas at sa ulan na napatak na. Malaas ang ulan at malamig pa. Mabuti nalang at may jacket ako kahit papaano hindi naman ganoon kalamig.

"Chika ayos ka lang? Namumutla ka." Ani Ava.

"Ayos lang ako. Sinat lang to."

"Hoy! Sakit parin yan! Halika nga dadalhin kita sa Clinic."

"Wag na Ava, umuwi ka na papatilain ko lang tong ulan."

"Hindi pwede! Sabay tayong uuwi tara na."

"Okay nga lang ako--" Naputol ang sasabihin ko ng mula sa pinto ng classroom namin ay sumilip dun ang ulo ni Benedict.

"Yan! Nandiyan na pala si Benedict, siya na lang ang mag dadala sayo sa Clinic."

Pinuntahan naman ni Ava sa may pinto si Benedict at kinausap. Napatingin pa sakin si Benedict habang kinakausap siya ni Ava. Matapos nun ay pumasok si Benedict sa classroom kasabay si Ava at huminto sa harapan ko. Hinawakan niya naman ang noo ko at dinama ito.

"Kailan ka pa may sakit! Ang taas ng lagnat mo." Seryosong sabi ni Benedict.

"Wala lang to--"

"Kailan ka pa may sakit?" Seryosong tanong niya, galit nato pag masyadong seryoso.

"Kahapon pa."

"Tara na ihahatid na kita sa bahay niyo, Ava gusto mo bang sumabay samin?"

"Wag na, susunduin ako ng boyfriend ko dito. Sige na ihatid mo nalang yan si B sa bahay nila."

"Sige mauna na kami." Paalam ni Benedict at kinuha ang bag ko at sinabing sa balikat niya.

Pag labas naman namin ng pinto ang dami ng tao na nasa corridor ng second floor nag papatila rin ata ng ulan. Mapapatingin ang mga ito samin na para kaming artista. Yung iba ay lantaran pa kaming pinag bubulungan ngunit wala kang ito kay Benedict.

Pinipilit ko siyang habulin mag lakad pero ang bilis niya mag lakad. Sa inis ko ay tinigil ko lang pag lalakad. Nang mapansin niyang wala ng nasunod sakanya ay huminto sin naman siya at lumingon sakin.

"Bakit ka huminto?" Tanong niya sakin.

"Galit ka ba?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Hindi."

"Talaga ba?"

"Ano bang gusto mong palabasin?"

"Nagalit ka!"

"Hindi nga sabi ako galit!"

"Ano lang pala? Galit na galit ka?"

"You know what? Forget it!" Matapos niyang sabihin yun nagulat na lamang ako ng buhatin ako nito na parang sako ng bigas.

"IBABA MO AKO! HOY! PUT ME DOWN YOU JERK!"

"Pwede ba? Tumahimik ka!"

"IBABA MO AKO! TULONG! TULUNGAN NIYO AKO! TULONG! TULONG! LET GO OF ME YOU JERK!"

Saka lang naman ako binaba ni Benedict ng maka punta kami sa harp ng kotse niya.

"Pasok." Utos niya. Kapal talaga ng mukha nito.

"Ayoko nga."

"Aba! Pumasok ka na. At baka magka sakit ka pa lalo!"

"Ayoko nga!"

"Pumasok ka na nga!"

Sininghalan ko naman siya at nilakihan ng mata bago pumasok sa kotse niya. Nakakainis talaga siya! Ang kapal kapal ng mukha!

Sana ✔Where stories live. Discover now