CHAPTER 3

2.7K 62 19
                                    

Napakalakas ng aircon ngunit pinagpapawisan pa rin si Robin. Nararamdaman nito ang dumadaloy na pawis sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan. Ang parusang binigay sa kanila ng kanilang boss ay ang linisin ang buong silid habang ang mga naggwagwapuhang mga gagong nilalang ay prenteng nakaupo at maingay na nag-iinuman. Si Mavy ay nagpupunas ng istanteng puno ng mga mamahaling alak. Siya naman ay abala sa pagmamap ng sahig. Natatawa siya sa itsura nila dahil sa suot nila habang naglilinis.

Hindi maiwasan ni Robin na sumulyap sa mga naggwagwapuhang kalalakihan. Siguro nang magpaulan ng kagwapuhan ang langit nasa labas ang mga ito at masayang naliligo sa gitna ng kalsada. Mukhang nasalo nila lahat ng kgwapuhan sa mundo. Ngunit isa lang ang nakaagaw ng kanyang atensyon. Ito ang boyfriend ng bruhang umaway sa kanya na ilang beses ng nagtatama ang kanilang tingin. Siguro nagiguilty ito sa ginawa ng girlfriend niya sa kaniya.

Bago pa mawalan ng malay ang dalaga sa sobrang pagod, lumabas na lamang ito ng kwarto para ibalik ang map sa kinalalagyan nito.

" Saan ka galing? " Tanong sa kanya ng kaibigan nang makabalik siya.

" Binalik ko lang 'yong map. "

" Alam mo Robina? Gusto kong pumatay! Dito ko lang pala mararanasan ang magkuskos ng kubeta hindi man lang ako nainform! Peste!" Ani Mavy na nagtatagis ang bagang.

" Shut up Mavs baka marinig ka nila. " Suway nito sa kaibigan.

" Whatever. "

Busy pa din na nag-iinuman ang boss nila at ang mga kaibigan nito. Magpapa-alam na sana sila dahil tapos na silang maglinis ngunit nagdadalawang isip ang dalaga at baka bulyawan pa siya ng amo. Baka hindi siya makapagpigil at masipa nito ang gwapong mukha ng kanyang amo.

" Alis na tayo. " Ani Robin sa kaibigang prente na namang nakaupo sa isang couch malapit sa istanteng puno ng alak. Mabuti na lamang at medyo malayo ito sa mga kalalakihan hindi nila maririnig ang kanilang pag-uusapan.

" No. Dito lang tayo. Pinagod nila tayo kaya kailangan nating magpahinga. "

" What? Are you out of your mind Mavy? " Mahinang bulyaw nito sa kaibigan.

" Kapag lumabas tayo rito, balik trabaho na naman tayo. Nakakairita kaya ang mga lalaki roon, ang babastos mga manyak! Dito na muna tayo total busy naman sila hindi naman nila tayo mapapansin. " Paliwanag ng kaibigan. Tama naman ito naiilang din siya sa mga costumer sa labas.

" Paano kapag pagalitan na naman tayo? Baka tanggalin na tayo sa trabaho niyan. "

" Ako ang bahala. " Sagot ng kaibigan at kumindat pa ito. Umupo na lang din siya sa katabi nitong couch at nilabas ang kanyang cellphone para magpalipas ng oras. Nararamdaman na nito ang pagod at nananakit na din ang kanyang mga binti dahil sa stellito nitong suot.

Pigil ni Robin ang tawa na pilit kumakawala sa kanyang bibig, kausap nito ang kanyang kaibigan sa US. Ayaw nitong maistorbo si Mavy at baka marinig din siya ng mga kalalakihan kaya naman todo bungisngis na lamang ang ginawa nito.

Sinundan ng tingin ni Shaw ang dalagang naglalakad papalapit kay Mavy. Akala ng binata ay hindi na ito babalik dahil lumabas na ito kanina. Nakaupo ang dalawang dalaga sa magkatapat na couch at halatang pagod na pagod ang mga ito. May parte sa kanya na naaawa para sa dalaga ngunit bigla iyong naglaho nang makitang nakangiti ito at pigil na tumatawa habang may kausap sa kanyang cellphone. Lasing na rin ang mga maiingay na kalalakihan kaya naman naisipan ni Shaw na lumabas ng VIP room.

" Mavy? " Gising nito sa kaibigang mahimbing ng natutulog sa mahabang sofa. Nasa VIP room pa rin sila ngunit ang mga kalalakihan ay wala na roon. Naiwan silang dalawa dahil ayaw bumangon ng kaibigan dahil pagod raw ito. Sinabihan naman siya ng kanyang boss na hayaan na lamang ito at baka mag-iskandalo na naman ang dalaga at mawalan sila ng customer. Buti na lamang mabait ang kanilang boss. Medyo lang naman.

Dangerous Gentleman: Shaw RevelloNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ