CHAPTER 6

76 3 0
                                    

Ilang araw na ring hindi lumalabas ng apartment si Robin nang nagkasakit ito at nagresign sa trabaho. Kain tulog lang ang ginagawa nito sa mga nakalipas na araw.

Wala sa sarili ang dalaga habang nag-aayos ng kanyang mga gamit nang biglang pumasok si Mavy.

" Hello there Robina babe. " Masigla nitong bati sa kanya. Hindi nito sinagot ang kaibigan at pinilit lang na ngumiti.

" Is there something wrong? Are you okay? You look like shit Robina. Are you sure you're not sick anymore? " Mavy asked.

" I'm fine. "

" Anyway this is our last day here, we're going back to the US tomorrow. " Napansin naman nitong medyo sumama ang mukha ng kaibigan habang sinasabi iyon.

Nagtataka naman ito dahil sa totoo lang ay ayaw ni Mavy ang magstay ng matagal sa Pilipinas, at sa pinapakita nitong reaksyon ay parang ayaw pa nitong umuwi.

" Alam ko. " Tipid nitong sagot. Sa totoo lang ay aaminin niyang may parte sa kanya na ayaw pa niyang lisanin ang lugar kung saan naging espesyal na para sa kanya.

Kung noon ay sumpa-sumpa niya ang Pilipinas at ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya aapak sa bansang iyon dahil nandoon ang kanyang asawa ngunit ngayon ay nagbago na. Dahil may malaking espasyo na sa kanyang puso ang bansang ito.

Shaw.

At sa pag-alis niya ay kasamang babaunin pag-uwi ang ala-alang kanilang pinagsaluhan.

Makikita pa ba kita Shaw?

Agad namang naagaw ang abala niyang pag-iisip nang muling magsalita ang kaibigan.

" Bukas ng hapon dadating ang private plane na sasakyan natin pabalik. "

Agad namang tumaas ang kilay nito. " Private plane? Bakit kailangan pa ng private plane eh pwede naman tayo sa commercial flight lang. "

Napangiwi naman si Mavy. " Ang uncomfortable kaya. Tsaka I asked mom at pumayag naman siya. Alam mo naman ang isang yon hindi makakatanggi sa akin. " Sabay kindat sa kanya.

Tama siya hindi talaga sila matatanggihan ng mommy ni Mavy at ganun din naman sila.

Tumango lang ito. Wala talaga siya sa mood para makipag-argumento pa sa kaibigan. Maayos naman siya ngunit pakiramdam niya ay masama ang kanyang pakiramdam.

" You know what? I hate seeing you like this. "

" What are you talking about? "

" Ano ba naman Robina kanina ka pa wala sa sarili! Ano ba kasing nangyari? " May inis na sa boses nito. Naiintindihan nito ang kaibigan dahil hindi naman talaga siya ganito kaya tumungo na lamang siya.

" Mag-ayos ka diyan at susulitin natin ang huling araw natin dito. Kailangan mag-enjoy tayo bago bumalik ng America. "

Nilingon nito ang kaibigan.
" Saan naman tayo pupunta? " She asked.

Tama naman ang kaibigan, huling araw na nila kaya dapat lang silang mag-enjoy kesa sa magmukmok.

" Pupunta tayo sa Club Red. " Seryosong sagot nito.

" What? Bakit doon? " Naguguluhan nitong tanong.

" Eh sa doon lang naman ang alam nating lugar. " Oo nga naman. " At pupunta tayo roon as Maxine and Robin not Mavy and Ace the troublemaker waitresses. Lol.

Nagdadalawang isip siya ngunit wala din naman siyang magagawa dahil siguradong hindi siya titigilan ng kaibigan. Mavy and Ace ang pangalan nila nang magtrabaho sila sa club ngunit ngayong gabi ay mag-eenjoy sila bilang sila. Sigurado namang walang makakakilala sa kanila dahil tuwing pumapasok sila sa club ay puno ng kolorete ang kanilang mukha at sinasadya nila iyon para hindi sila makilala.

Dangerous Gentleman: Shaw Revelloजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें