Chapter 8

5.8K 135 6
                                    

Angeline

"KAHIT anong mangyari 'wag na 'wag kang magpapakita sa Uncle ni Percy"

Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay nang marinig ko ang isang wari ko'y babala galing kay Aling Isel.

Pagkatapos ng weirdong pintuan, uncle naman ni Percy. Ano na ba talaga ang nangyayari?

Naku, hindi na talaga ako magtataka kung isang araw, meron na lang matagpuang bangkay or something sa basement o kaya sa bakuran ng mansyong ito. 'Wag naman sana.

Grabe. Ang weird at nakakaloka ang mga nararanasan ko dito bilang nurse ng isang Percy Cyruz Trinidad.

Ngayong araw na ito ay bibisitahin raw ni Arthuro o ang tito ni Percy ang mansyon at syempre ang kalagayan ng pamangkin. Nang makita ko naman ang itsura ng lalaki ay ayos naman ito. Taglay niya ang kakisigan na bumabalaytay sa dugo ng kanilang pamilya.

Iba talaga ang dugo nila, makapalahi na nga.

Kaso hindi ko lang alam kung bakit may iba akong nararamdaman habang tinitingnan ang kabuuan ng tito ni Percy.

Hindi ko alam. Basta, may something...

Meron akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

Ipinilig ko ang ulo at muli silang tiningnan.

Napakunot-noo ako...

Kung tito siya ni Percy, then bakit ganun?

Sigurado akong may itinatago sila sa akin pero kinakabahan na ako kapag nag-imbestiga ulit ako. Saka isa pa, nurse lang rin ako ni Percy---wait, let me rephrase that. Saka isa pa, isang magandang nurse lang rin ako ni Percy.

Ayan tama na.

Napatango-tango pa ako sa naiisip.

Nagtataka nga rin ako kung bakit tila pilit at peke ang mga ngiting isinalubong ni Aling Isel, Butler Lucifer at Percy sa kaniya.

Kung paano ko nalaman? Secret! 'Di ko sasabihin! Bleeh!

Kidding aside, sinisilip ko sila ngayon sa sala mula sa itaas ng hagdan. Nagtago na lang rin ako kahit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong hindi magpakita sa taong 'to.

Tagu-taguan lang ang peg? Okay lang! Game naman ako!

Ilang sandali lang ay sinenyasan ni Sir Arthuro sina Aling Isel at Butler Lucifer na iwan muna silang dalawa ng kaniyang pamangkin.

May matamis na ngiti ang labi ng lalaki at maya maya'y tumatawa na ito na para bang siyang-siya sa sinasabi ni Percy.

Hala, patay.

Mukhang nasisiraan na ang tito ni Percy. Yun yata ang nararamdaman ko bilang isang nurse na may kapangyarihang tuklasin ang kaibuturan ng isang tao. Syempre, charot lang.

Ngunit nagtaka ako nang may inilabas itong papel at ballpen mula sa kanyang bag case at hinawakan ang kamay ni Percy. Hindi ko alam ang tawag pero kinakabahan ako. Mamaya may laman pala yung baril, nakakatakot.

Wala pang limang segundo ay pinirmahan na ni Percy ang dokumentong nasa harapan niya.

Ano kaya yun?

At saka tama at dapat bang pumipirma si Percy ngayon sa kung ano mang dokumento ang ibinigay sa kanya ni Sir Arthuro sa kabila ng kaniyang kalagayan?

Pinagmasdan ko silang mabuti pero mukha namang alam ni Percy ang ginagawa niya.

Wait... Paano niya malalaman e wala naman siya sa tamang pag-iisip?!

Inabutan sya ng kaniyang Tito ng isang malaking lollipop at tuwang-tuwa naman itong binuksan at kinain ni Percy.

Napailing ako at handa na sanang bumaba kaso naalala ko ang sinabi sa akin ni Aling Isel. Nakasimangot akong nanatiling nakamasid sa kanila.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ang kanyang Tito at ginulo muna ang buhok ng huli bago masayang nagpaalam.

Ngunit napakunot ang noo ko nang pagkatalikod ng lalaki ay mayroon itong matagumpay na ngisi na tila napagtagumpayan ang masamang binabalak.

Iba talaga ang nararamdaman ko ngayon sa mga nangyayari.

Agad akong nagtago sa gilid ng hagdan nang dumako ang tingin niya sa pwesto ko.

Nangilabot ako nang ngumisi na naman siya at mahinang tumawa na para bang alam niya na naroon ako at kanina ko pa sila pinagmamasdan. Napailing-iling pa siya bago tuluyan nang lumabas sa mansyon.

Weird.

Mabilis na umakyat papalapit sa'kin si Percy nang makita niya akong tumayo mula sa pinagtataguan ko.

"What are you doing here Angel?" Kunot-noo niya akong tiningnan bago sumandal sa railing ng hagdan.

"Wala naman. Sinabihan kasi ako ni Aling Isel na 'wag raw magpakita sa uncle mo. Bakit?" Diretsa kong pahayag at pilit hinuli ang mailap niyang mga mata.

Bakit ka umiiwas ng tingin Percy?

"I-i don't know too... You know you should ask her, not me because I am not the one who told you to stay away from my uncle." Pilosopo niyang sagot sa akin at mabilis na tumalikod.

Ang taray nun ah! Ano Percy suntukan na lang?! Ano? Ano?! Ano?!! Papalag naman ako, ano?! ANO?!

"Aba! Tinatanong kita nang maayos diyan!" Sigaw ko sa kaniya.

Nagsimula siyang tumakbo kaya naman tumakbo na rin ako para sundan siya. Malamang alangan namang maglakad ako, edi hindi ko siya nasundan. Sa laki ba naman ng biyas ng lalaking yun.

Tapos hindi nga lang yun ang malaki sa kaniya. Malaki rin yung ano niya, yung ano... Basta! Alam niyo na yun.

"Hoy Percy!" Sinubukan ko siyang habulin pero ang bilis niya kaya hinihingal akong napatigil muna.

Takte! Kailangan ko na talagang mag-work out pero sa laki ba naman ng mansyon nila Percy. Ewan ko na lang kung hindi kayo hingalin. Napakalawak nito tapos may itaas pa.

"Lagot ka talaga sa'kin mamaya!" Hingal kong sigaw sa kung saan dahil hindi ko na alam kung saan siya sumuot sa malaking mansyon na 'to.

Lagot talaga siya 'sakin. Hahalikan ko siya nang--este, basta! Lagot ang lalaking yun sa'kin!

Si Aling Isel na nga lang ang tatanungin ko mamaya total siya nga naman ang nagsabi sa'kin nun, hindi ko lang nagawa kanina dahil naging busy na.

Sana nga lang ay hindi ko makalimutan.

~~~

Something's fishyyyyy.😉

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon