Chapter 28

3.5K 69 2
                                    

Unknown

I smirked.

I'll do everything to get my father's pride and attention. And in order to do that I must use my charm and be with the love of my life--which is a blessing in disguise.

Cristille, maghanda ka na mahal ko.

***

Angeline

ANG segundo ay naging minuto at naging oras. Ang linggo'y naging buwan hanggang sa hindi ko namalayang nakalipas na pala ang isang taon.

Isang taong pagpapagaling sa sugat na natamo sa 'di umanong katangahan sa isang lalaking hindi kayang suklian ang nadarama ko.

But as I look up at the sky, I just smiled and let happiness took over me.

Hindi man ako nagawang mahalin ni Percy ay mayroon namang mga taong hindi umalis sa tabi ko nang kailangan ko ng balikat na maiiyakan.

Napangiti ako at nagpasiya nang maglakad papunta sa restong madalas namin kainanan ni Grey.

Oo. Si Grey na childhood friend ko. He's the least person that I expected to be with on that one year of moving on.

I don't know. Basta bigla na lang siyang nagpakita sa'kin sa bahay at niyakap ako nang mahigpit. At doon rin kusang tumulo yung mga luha ko.

Fresh pa noon yung sugat na iniwan sa'kin ni Percy kaya't hindi ko na napigilang ibuhos ang emosyon ko.

Napag-alamanan ko ring magkakilala pala si Psylach at ultimate crush niya pala itong si Grey.

Natatawa na lang ako sa kakulitan nilang dalawa at ang pagharot ni Psylach na ipinagsasawalang-bahala lang naman ni Grey.

Bukod dito, bumalik na uli ako sa hospital na dati kong pinapasukan. At ang masaya pa ay nagpa-welcome party pa talaga sila sa'kin at sabay-sabay bumati.

Syempre mawawala ba naman si Psylach e siya pala ang may pasimuno nito. Kaya pala pilit akong pinapabalik para rin may makahuntahan na naman siya tungkol sa mga hot fafas.

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin kay Grey na simpleng nakasuot ng white fitted shirt and black pants. Hilig niya talaga ang magsuot ng black at white. Kung hindi naman ay yung grey t-shirts na binili ko sa kaniya nung birthday niya.

Umiling na lang ako at napangiti.

What's with boys and their obsession with white shirt?

Pero kunsabagay nagpapagwapo ito sa ibang klase ng lalaki tulad na lang ng nasa harapan ko ngayon.

"You're beautiful with that outfit My Sweet." I shook my head with his sweet words just now.

Simpleng blouse lang at maong ang suot ko ngayon kasi siya lang naman ang kikitain ko pero kung maka-compliment naman ang loko wagas.

Inalalayan niya akong makaupo at saka umorder ng seafood dish since this restaurant is a seafood-inspired one. Opo. We are wearing casual clothes in a freakin' high class restaurant, but so what? Ang importante naman ay may pera ka sa bulsa pero mas importante kung ililibre ka ng kasama mo.

Nagsimula na kaming kumain pero napataas ang kilay ko nang biglang tumigil si Grey sa pagkain.

Uminom muna siya ng tubig bago tumikhim kaya tinigil ko na rin muna ang pagkain at hinintay kung ano ba ang sasabihin niya.

"My sweet, Evangeline."

He bit his lip and uttered something that made my eyes bulged from their socket.

"I like you. Gusto kita."

Next thing we know, we were both having a stare down. With me having an apologetic face and him, wiping the remnants of water that I shamelessly spat at him due to his statement.

"Sorry." "Babaita naman e!"

We said in unison that made my eyes grow bigger again.

"W-what the hell?!" Hindi ko mapigilang bulalas.

Maarte muna niyang pinunasan ng table napkin ang mukha niya habang pumipilantik ang kamay.

Don't tell me...

"With no further ado, yes. I'm a gay. It's not that, Psylach's influence has a large impact for me to realize my true self. It's just, within me after all." Seryoso niyang saad.

Tulala pa rin ako at nakatanga sa kaniya, unable to process the words he said. After a minute, saka lang ako nakabawi.

"I-i don't know what to say." And I definitely don't know what to do in a situation like this.

Like, what the heck?!

Tiningnan niya ako ng matiim at bigla na lamang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa table. "C-can you still accept me as who I am right now?" He looks so sad and it feels like there's something bothering him inside.

"Of course!" Without thinking I uttered those words.

Ipinagsiklop ko ang mga kamay namin at nginitian siya nang matamis.

"Na-shock lang talaga ako kanina. Kasi naman, tingnan mo oh, ang gwapo gwapo mo tapos bigla ka na lang magiging g-gay." Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

Bumuntong-hininga siya ngunit ngumiti rin. "Salamat my sweet. Kasi tanggap mo ako. I-i just feel so confused on my being ever since she broke up with me." He sighed again but force a small smile on his lips.

"I felt so lost. But now, I can truly say that I'm free." Pain showed in his eyes but I held myself back to ask him. I will wait when he's ready to share his problems with me.

"Naiintindihan kita Grey. Nandito lang ako palagi. Pati ang babaitang si Psylach. And it just occurred on me! Dal'wa na kayong gay best friend ko! Like--hahaha! Ang saya nito beh!"

Natapos ang friendly date namin ng puno ng tawanan at kwentuhan about hot fafas and I realized na...

Mas malandi pa pala kay Psylach 'tong si Grey! Lanya!

~~~

Grey's secret is out!

Who do you think is that someone???

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora