Chapter 19

3.8K 86 2
                                    

Angeline

CONFUSION with fear is what I am feeling right now.

"Pu-putok ba yun ng baril?" Nanginginig kong hinawakan ang kamay ni Percy na mahigpit na nakasiklop sa kaliwang kamay ko.

"Yes Baby. We are under attack." Seryoso akong tiningnan ni Percy at tila humihingi ng tawad sa tingin na ibinibigay niya sa'kin ngayon.

Pinisil ko naman ang kanyang kamay bilang tugon na okay lang, kasama sa minahal ko ang trabaho at pinagmulan niya kaya't naiintindihan ko siya.

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nabulabog kami sa malakas na hiyawan at sunod-sunod na putok ng baril ng kung sino.

Diyos ko naman, inaantok pa ako tapos may ganito agad?

I am not ready people!

Hindi pa din ako nakakapagpaturo kung paano humawak ng baril kay Percy kaya kinakabahan ako na nae-excite din. Ang astig lang kasi, para kaming mga artista.

Nahihilo na ako sa bilis ng pagtakbo namin, idagdag mo pang nasa isa kaming barko pauwi ng Maynila.

Para akong nasa isang movie, bagay na hindi ko akalaing mararanasan ko sa totoong buhay.

Hindi pa tuluyang nagsi-sink in sa akin ang katotohanang ang lalaking minamahal ko ay ang pinaka-boss ng mga mafia.

Nakakaloka na mga bes!

Talaga palang may mga kalaban ang mga ganitong klase ng mga tao at wagas rin sila kung paano magpaputok. Akala mo hindi nauubusan ng bala.

Magulo ang isip ko pero isa lang ang sigurado ako.

Kahit na anong mangyari ay mananatili lang ako sa tabi niya dahil mahal ko siya. Kung dumating man ang araw na ipagtabuyan na niya ako, saka lang ako aalis.

Masakit man para sa akin pero mahal ko siya at kung yun ang nais niya, wala na akong magagawa dahil lahat ng kaya kong ibigay ay ibibigay ko. Maski ang kalayaan niya mula sa akin.

Hindi ko alam na labis na pala akong nahuhulog sa isang patibong na tanging si Percy at ako lang ang may alam. Ang nakakatawa lang ay wala akong planong umalis sa patibong na yun.

Napailing ako at kinagat ang labi para pigilan ang pag-iyak.

No. Nagsisimula pa lang kami. Tigilan mo Angel ang pagiging advance mag-isip!

Ilang sandali ay nakarating kami sa ibabang bahagi ng barko at may naghihintay ng speed boat para sa kaligtasan ng mga tao.

Agad akong isinakay ni Percy sa isang speed boat at tinanguan ang Butler na si Lucifer. Ngunit nagtaka naman ako ng nanatili siyang nakatayo sa sahig ng barko at hindi pa sumasakay kasama ko.

Anong ginagawa niya? Hindi ba siya sasama sa'kin?

"Percy? Ano pang ginagawa mo?" I grabbed his hand and urged him to sit beside me but he shook his head as a no.

Nagtataka ko siyang tiningnan pero seryoso lang ang mga mata niyang nakatuon sa akin.

Anong ibig sabihin nito Percy?

"Sorry Baby, kailangan ko silang harapin dahil ako talaga ang pakay nila. Mukhang nakatunog na si Arthuro sa mga plano ko." Seryoso niyang saad at ngumiti nang alanganin sa akin.

Nandun na muli ang tingin niyang tila nagso-sorry sa akin sa mga nangyayari ngayon pero hindi ko ito pinansin.

No. Hindi niya ito kasalanan.

Hinawakan niya ang pisngi ko at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Don't worry. Babalik ako sayo Baby. Uuwi akong ligtas sayo, pangako yan..." He smiled gently at me and kissed my forehead this time.

"Pero--" Magsasalita pa sana ako ngunit umiwas na siya ng tingin.

Wala na akong nagawa nang utusan na niya si Butler Lucifer at dalawa pang speed boat na puro bodyguards ang laman na umalis na.

Hinawakan ako sa balikat ni Aling Isel na tila pinapakalma ako sa mga nangyayari. Malungkot at nag-aalala ko naman siyang tiningnan.

"Bring her at my house in Cagayan, Lucifer. Double the security and make sure na hindi kayo masusundan ng mga tauhan ni Arthuro. Hurry up now, time's running." His voice is authoritative and I shivered while imagining something.

Binalingan niya naman ako ng tingin at ngumiti nang matamis.

Ang bilis magbago ng emosyong nasa mukha niya. Noong nagsasalita siya kanina mukha talaga siyang hari ng mga mafia tapos ngayon mukha siyang maamong tupa na nakatingin sa akin.

"I love you Baby. Don't forget that no matter what." He whispered in his deep voice gently.

"Mahal din kita Percy." Sagot ko at muling tiningnan ang mukha niya.

Tila pareho naming kinakabisa ang mukha ng bawat isa.

Sa pagtakbo ng sinasakyan ko ngayon ay siyang pagtulo ng luha ko.

Hindi ko alam...

Hindi ko talaga alam pero malakas ang kutob ko na may masamang mangyayari.

Please God, 'wag naman po sana.

Ilang minuto pa lang kaming naglalayag ng makarinig ako ng malakas na pagsabog sa 'di kalayuan.

"Oh God." Napatayo ako sa gulat at nang mapagtantong ang barkong sinasakyan namin ang siyang sumabog ay tuluyan nang nanghina ang tuhod ko.

Percy...

Agad naman akong inalalayan ni Butler Lucifer at hinayaan ang isa pa naming kasamang body guard na siyang magmaneho muna.

Niyakap rin ako ni Aling Isel sa gilid habang patuloy ang paglabas ng hikbi sa bibig ko.

Percy...

Hindi ko na napigilan ang paglaglag ng sunod -sunod na luha sa mukha ko.

"Kalma lang Neng. Magaling si Percy at..." Pinat niya ang balikat ko at binigyan ako ng isang nakakalokong ngisi na bahagya pa sa'king nagpaatras.

Anong nangyayari kay Butler Lucifer?

"For your information lang ha. Kasama sa plano ang pagpapasabog ng bomba kaya chillax ka lang diyan, wag o.a." He chuckled.

Parang preno na nakapagpatigil ng luha ko ang sinabi ni Butler Lucifer at masama siyang tiningnan.

Naku kung hindi ka lang matanda napatulan na kita. Ang sarap mong lunurin sa dagat.

At saka kelan pa siya nagiging jeje?!

Napairap na lang ako at tumingin sa langit.
Kasama sa plano o hindi, nag-aalala pa rin ako kay Percy.

'Lord, sana ligtas siya please.'

~~~

And the epal showed up....

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now