Chapter 26

1.1K 58 3
                                    

ENGAGEMENT RING

Namamangha na nilibot ni Vivian ang mga mata sa buong paligid. Nagniningning ang buong kapaligiran dahil sa mga nagliliparan alitaptap. Napapaligiran ng mga halaman at bulaklak na humahalo ang bango ng mga iyun sa hangin.

"Nagustuhan mo ba?" untag sa kanya ni Wendell na malaki ang ngisi sa mga labi.

Pinakatitigan niya ang binata. Napakagwapo nito.

"Oo. Hindi ko alam na may ganito pala lugar,ang ganda.." mangha niya sabi. Gusto sana niya sabihin na napakagwapo nito pero naunahan na siya ng hiya.

Kinagat niya ang pang-ibaba labi.

"Actually,si Constell ang nagsuggest na dito kita dalhin..His wife own this place," tugon nito.

"I like it here,nakakamangha sila," tukoy niya sa mga nagliliparan alitaptap kung saan-saan na din dumadapo.

May ilan din na dumadapo sa kanila. Natawa siya ng may dumapo sa balikat ng binata at agad na maingat na hinuli niya iyun.

Agad din naman iyun nakawala at lumipad. Napasulyap siya sa binata ng abutin nito ang kamay niya at dalhin sa mga labi nito.

"Ang saya ko dahil kasama kita sa ganitong klaseng lugar..para akong nasa heaven," anito.

"Akala ko para ka nasa kalawakan since isa kang bituin," komento niya rito na kinatawa nito ng malakas.

Sinubsob nito ang mukha sa leegan niya habang marahan na sumasayaw pa din ang mga katawan nila.

Katahimikan ang sunod na namagitan sa kanila. Ninamnam ang pagkakadikit ng kanila mga katawan. Alam nila na pareho kuntento sila sa isa't-isa habang magkayakap na tila ba wala na sa kailangan pa kundi ang isa't-isa lang.

Suminghap ang binata. "Pakasal na kayo tayo?"

Napahiwalay tuloy siya sa pagkakayakap rito dahil sa kabiglaan.

"Seryoso ka?"

Napangiwi ang binata tila napahiya sa kanya. Napakamot ito sa ulo.

"Uhm,mabilis ba masyado?"

Hindi siya nakaimik.

"Wendell..." tangi nasambit niya dahiL talaga naman nabigla siya sa sinabi nito at base sa nakikita niya sa mga mata nito na tila seryoso nga ito.

"Sorry,advance lang ako mag-isip...pero alam ko naman na ikaw lang talaga ang gusto ko makasama habam-buhay e," anito.

Nanatili lang siya nakatitig sa gwapo nito mukha.

Saka ito napabuga ng hangin at alanganin na tumawa ng mahina.

"Pero kung hindi ka pa handa,maghihintay ako," anito sabay ngiti na nito.

"Wala ka nga singsing eh," maya-maya bulalas niya na kinalaki ng mga mata nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. Unti-unti nabanat ang mga labi nito sa pagngisi.

"Huh,sino nagsabi hindi ako ready? Ako pa ba?!"

Siya naman ang nanlaki ang mga mata ng dukutin nito sa bulsa ng suot nitong jeans ang isang kulay pulang maliit na box.

Lalo napangisi ang binata.

"Dapat romantic ang pagpopropose ko sayo kaso..."

Binuksan nito ang box.

Napasinghap siya ng makita ang singsing.

Tatlong bituin na dyamante ang desinyo niyun sa gitna.

"Three star stands for I love you.."

Kinuha nito ang kaliwang kamay niya at sinuot nito ang singsing sa daliri niya.

"Maghihintay ako kung kailan mo ko sasagutin ng Yes," anito. "Fiancée na kita,okay?"

Niyakap siya ng binata. Tinitigan nya ang suot na singsing habang magkayakap sila ng binata.

She can answer for now hanggat hindi pa natatapos ang lahat at alam iyun ng binata.

Ipinikit niya ang mga mata at niyakap ng mahigpit ang binata.

"I love you,Vivian.."

"Tsk,kailangan ko pa ba sagutin yan?"

Tumawa ito. "Oo naman para kiligin ako," anito.

"Buang ka talaga," aniya.

SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon