Back Scene

1K 74 10
                                    

"Salamat,Sir.."agad na pasasalamat niya ng maisakay ng lalaking bouncer si Wendell sa back seat ng kotse niya.

"Welcome,Officer!"pagsaludo nito sa kanya.

Tinanguan niya ito at sumakay na sa likod ng manobela.

Nilingon muna niya ang binata bago niya binuhay ang makina ng kotse.

Mabagal lang ang pagpapatakbo niya.

Umungol ito.

"Ano ba yan. Nahihilo ako,"lasing nitong bulalas.

Tiningnan niya ito sa rearview mirror. Hindi ito mapakali sa pagkakahiga hanggang sa dumapa na lamang ito.

Nag-alala siya na hindi pa ito gumagabi kaya hinanap niya ito mabuti na lamang hindi malayo ang kinaroroonan nito.

Napabuga siya ng hangin. Sigurado naman siyang kasalanan niya kung bakit ito napainom.

"Vivian...mylabs,"usal nito na kinatingin niya muli sa unahan salamin.

Nanatili ito nakapikit.

"Mylabs!!!"malakas na nitong sabi.

Napakunot siya ng noo.

"Mylabs..shana lalabs mo din ako,"anito.

Hindi na niya napigilan matawa sa sinasabi nito. Mukhang lasing na lasing talaga ito.

Napangisi siya ng maisipan na kausapin ito baka sakali lang naman sumagot ito.

Inihinto muna niya ang kotse sa gilid ng kalsada bumaling siya rito at napangiti ng makita ang itsura nito. Salubong na salubong ang makakapal nitong kilay at kunot ang noo.

Panay ang haplos nito sa mukha na tila bang ang bigat ng dinadala nitong problema.

Tumikhim siya.

"Sino ba ang..mylabs mo?"tanong niya sa anyong pinipigilan na mapagngiti.

Umungol ito. Akala niya hindi ito sasagot.

"Si Bhoss Vivian.."

Napangiti siya. Napailing. Ang weirdo talaga nito.

"Hmm,si Vivian..bakit mo naman siya nagustuhan?"

Muli ito umungol. "Maganda..shaka..shexy yun,"anito.

Natawa siya sa sinabi nito pero nag-init naman ang mga pisngi niya.

"Ayun lang ata nagustuhan mo sa kanya eh,"aniya.

Bumuga ito ng hangin at unti-unti nawala ang pagkakasalubong ng kilay.

"Si Vivian..ang aking mylabs,mylabs..mylabs..mylabs.."anito na tila hinihele ang sarili.

"Baliw ka talaga,"napapailing niyang sabi.

"Kapag di shya naging akin...bubuntisin ko syha para wala ng kawala,"bulalas nito na kinalaki ng mga mata niya.

Siraulo talaga.

Dumaing ito at tila umiiyak ang pagkakadaing nito. Nakakuyom ang mga palad nito na nilapat sa dibdib nito .

"Sha kanya lang shi Wendell..mylabs. akin ka lang ah.."anito sabay umiyak ito na kinabigla niya.

Umiyak ito na tila parang bata.

"Wendell.."anas niya na tigagal habang nakatingin rito habang umiiyak pa rin.

"Mylabs..."umiiyak pa rin nitong turan.

Napakurap siya ng mga mata ng bigla na lamang ito nagsuka.

"Shitt.."saad nito.

Pagkaraan mailabas nito iyun sa  sahig ng kotse nakatulog na ito ng mahimbing.

Mariin niya naipikit ang mga mata.

"Pasaway ka talaga,"saad niya at binuksan ang bintana upang lumabas ang amoy mula sa nilabas nito.

Napapailing na pinaandar na muli niya ang sasakyan pero may malaking ngiti sa mga labi niya.

In love na in love talaga sa kanya ang bituin.

💫💫💫💫

Salamat po sa lahat na bumabasa ng Starry Starry Love Series kahit sobrang bagal ng update.

Salamat kahit papaano may nagtatyaga bumasa hehe.

Next Series 4 na.

Lovelots kaseries!

🎉 Tapos mo nang basahin ang SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED) 🎉
SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon