Chapter 31

938 58 5
                                    

INSTINCT

May kakaiba siyang nararamdaman. Ilang araw na rin napupuna ni Wendell na tila lagi malalim ang iniisip ng kasintahan si Vivian at sa tuwing tatanungin naman niya ito palagi sagot nito ay sa trabaho lang saka siya lalambingin siya naman agad na nagiging marupok hanggang sa nauuwi sa mainit na tagpo ang paglalambingan nila. Gaya ngayon,mahimbing na natutulog ang dalaga sa tabi niya. Hindi pa sumisikat ang araw,heto siya gising na gising pa rin. Bago maganap muli ang lambingan nila nadatnan niya ang dalaga na may galit sa anyo nito habang nasa labas at sundan niya ito ng hindi pa ito pumapasok ng magpaalam ito saglit na magpapahangin lang.

Tinitigan niya ang maganda mukha ng dalaga at napangiti siya ng magsalubong ang perpekto kurba ng mga kilay nito. Maya-maya pa ay napabuga siya ng hangin ng sumingit muli ang pag-aalala niya dahil sa napapansin niya sa dalaga.

Sigurado siya may nililihim ito sa kanya. Malakas ang pakiramdam niya na may tinatago ito sa kanya at aalamin niya iyun. Kinabukasan,palihim na nagtanong siya sa pinagtatrabuhan station ng kasintahan. Well,sa paraan na pagkontrol niya sa isip ng tao. Ngayon ay kaharap niya ang katrabaho ni Vivian na malapit rito.

"Wala naman kami nakaassign na assignment ngayon kaya wala stress,"sabi nito kung titingnan parang natural lang na sinagot nito ang tanong niya.

Tumango-tango siya. Hindi siya kuntento sa nakuha niyang sagot. Kinagabihan,maganang kumain sila ng hapunan nila ni Vivian. Nagkwento ito tungkol sa trabaho nito.

"Naglilihi ka na ba?"biglaan niyang tanong rito.

Natigil sa pag-inom ng tubig ang dalaga at bahagyang nanlaki ang mga mata nito. Nginisihan niya ito.

"Anong sabi mo?"maang nitong tanong.

Tumawa siya ng mahina. "Kasi naman..parang ang moody mo nitong mga nakaraan araw,akala mo hindi ko napupuna yun?"sagot niya rito.

Natigilan ang dalaga at wala na siya maisip na paraan ngayon kung paano niya ito mapapaamin kaya dinaan niya sa tanong na iyun.

Maya-maya pa ay ngumiti ang dalaga at umiling. "I have period today,so...sorry for dissappoint you,"tugon nito na siya naman kinalaki ng mga mata niya.

Aww,wendell! Umasa ka pa naman!

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ng dalaga at pinitik nito ang nuo niya na kinanguso niya.

"Paano naman kasi parang may nililihim ka sakin,remember,malakas ang instinct ko,mylabs!"

Saglit na natigilan ang dalaga at nag-iwas ng tingin at itinuon ang atensyon sa pagkain nito. Nagkibit ito ng balikat.

"Bakit hindi mo ba binabasa ang nasa isip ko?"seryoso na nitong turan sabay angat ng paningin sa kanya.

Naging seryoso na rin siya kasabay ng pagkabog ng dibdib niya. Inabot niya ang kamay nito na ngayon ay nakakuyom sa gilid ng plato nito.

Nagpakawala siya ng hininga. "Hindi ko pinapangahasan ngayon na pasukin ang isip mo,mylabs..bilang respeto ko sayo,"matiim niyang sabi.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. "Seryoso ka na niyan?"

Natawa naman siya sa sinabi nito. "Seryoso na eh sabay basag trip!"bulalas niya na kinatawa nilang pareho.

Hinila niya ang dalaga patayo palapit sa kanya hanggang sa makaupo ito sa kandungan niya. Niyakap niya ito patagilid sa kanya.

Ipinatong niya ang babae sa balikat nito. "Basta kung may problema ka man sabihin mo kaagad sakin. Alam mo naman lahat gagawin ko para sayo,"sabi niya rito.

Hinaplos nito ang kanyang mukha.

"Kaya nga minahal kita eh.."

Napangisi siya. "Aww parang ginamit mo lang ako bago mo ako natutunan mahalin--aww!"untag niya ng pingutin nito ang tainga niya sa pagbibiro niyang iyun.

"Buang ka talaga!"

Tumawa siya at hinuli ang mga labi nito hanggang sa lumalim ang halikan nila.

"Meron ka talaga ngayon?"

"First day ko..pero pwede naman gawan yan ng paraan e,"nakangisi nitong sabi.

Ngumisi siya. "Alam ko yang iniisip mo eh!"

"Hmm..buti na lang di pa ko masyado busog kaya...baka mabusog ako niyan.."

"Shit!! Bilisan na natin matapos dito!"

Natatawang pabirong sinabunutan siya ng kasintahan.

Gayunpaman,mananatili pa rin na aalamin niya kung ano man ang lumiligalig sa kanya.

SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon