Chapter 37

933 71 5
                                    

LICENSE

Marami na ang nangyari mula ng mawala sa kanya si Wendell. Maraming buwan ang lumipas na hindi na ito nagbalik sa kanya. Walang ibang hinihiling si Vivian kundi makita muli ang kasintahan pero mukha malabo na iyun mangyari pa.

"Shit! Muntikan na tayo dun! Buti na lang sakto dating ng back-up natin!"bulalas ng isa sa katrabaho ni Vivian.

Nabigyan sila ng assignment ng kanilang chief na huliin ang isang sindikato at siya ang humawak ng kasong iyun at naging matagumpay naman sila pero hindi pa rin maiiwasan na may masaktan sa misyon nila.

"Ayos ka lang ba?"pukaw sa kanya ng isang katrabaho niya.

Tumango siya. "Oo,daplis lang naman ito.."tugon niya at sinulyapan ang kaliwang braso na nadaplisan ng tama ng baril ng manlaban ang kalaban nila.

Nililinis iyun ng babae rescuer.

"Hindi lang iyan ang una nangyari sayo..noong una misyon natin tinamaan ka din..eh kung magbakasyon kaya muna?"saad nito muli sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "Mas gusto ko magtrabaho kaysa magbakasyon,Jud.."

Hindi na siya muli kinausap ito. Hindi naman siya mapipilit ng mga ito na magbakasyon siya. Alam niyang nahahalata ng mga kasamahan niya sa istasyon ang ginagawa niya. Ang magtrabaho kahit delikado pa iyun.

Marahas siya napabuga ng hangin ng pabagsak siyang umupo sa sofa. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw sa salas. Tanging ang bahay lamang ito ang naiwan alaala sa kanya ni Wendell.

Muli sa maraming beses na napapaisa siya at umuuwi mula sa trabaho. Pumapainlanlang sa tahimik ng gabi ang pag-iyak niya. Ang pagbabalik ng alaala niya noong kasama pa niya si Wendell. Hindi maubos-ubos ang mga luha niya kapag gusto niya maalala ito kahit sa isip na lamang niya iyun magagawa.

Iiyak ng iiyak hanggang sa makatulog siya at magising muli na may bahid ng lungkot at pangungulila sa puso niya. Hindi na kumpleto ang buhay niya mula ng mawala sa kanya si Wendell.

Kahit anong gawin niya tingala sa kalangitan alam niyang hindi na ito babalik pa. Kasalanan niya kung bakit ito nawala sa kanya. Sana siya na lang ang nawala.

Hindi ito.

Wala na siyang ibang hiling sa buong buhay niya kundi si Wendell lamang.

Only him.

Tila siya buhay na patay at robot na pinipilit na lamang mabuhay at magkaroon ng silbi sa mundo ito.

Tahimik ang umaga habang naghahanda si Vivian sa pagpasok niya sa trabaho ng mag-ingay ang celpon niya na nasa ibabaw ng center island.

Nang makita ang tumatawag agad niya iyun dinampot at sinagot ang tawag.

"Good morning,Officer!"pagbati ng nasa kabila linya.

Nabahiran ng ngiti ang mga labi niya ng marinig ang boses na iyun.

"Morning,"tugon niya.

"Ipapaalala ko lang yung baby shower ko mamaya ha? Baka kalimutan mo yun naku ka! Magagalit ako sayo!"anito.

Bahagya siya natawa habang nagsasalin ng gatas sa mangkok na may laman na cereal.

"Oo na..nakaalarm naman sa phone ko yun,"tugon niya.

"Very good! Oh paano? Hintayin ka namin ni Evelyn..isa pa yun baka makalimutan din sa sobra busy niya sa trabaho,"tugon nito.

Si Rhoda na asawa ni Constell. Kasulukuyan nito dinadala ang pangalawang baby ng mag-asawa. Si Evelyn naman na asawa ni Alaxiz.

SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon