Chapter 33

914 54 3
                                    

SCARED

Agad na kinontak ni Wendell si Alazis nang mahimbing ng natutulog ang kasintahan na si Vivian. She's so scared at pilit lamang pinatatag nito ang sarili. Ayon rito ito na ang bahala ireport ang nangyari sa kanila. Hinayaan na niya ito dahil ayaw niyang ipakita rito na hindi nito kayang protektahan siya.

Vivian is one a tough girl in the whole universe pero hindi maikukubli ang takot nito sa nangyari kanina. Kung hindi ito naging alerto malamang sa malamang bumaon na sa kanya ang bala ng baril na hindi niya alam.

Nagsisisi siya na hindi siya naging alerto kaagad! Masyado siyang nahumaling sa ligaya na kumulukob sa kanya at hindi na niya naisip ang kaligtasan nila.

Paano na lang kung ito ang tamaan?

Marahas na napahilamos siya sa kanyang mukha habang hinihintay ang pagsagot ng kaibigan sa kabilang linya.

Maya-maya pa ay sumagot na ito.

"Hindi mo naman siguro nakakalimutan na isang ordinaryong tao na lang ako para abalahin ng ganitong oras,Bituin?"paos nitong bungad na may halong inis.

Napangiti siya sa reklamo nito pero agad din sumeryoso sa tunay niyang pakay rito.

"Help me,"saad niya.

Hindi kaagad nakasagot ang kaibigan at sigurado siya nakuha na niya ang atensyon nito.

"What happen?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"Muntikan na ko mabaril kanina kung hindi lang naging alerto si Vivian,"sagot niya.

"Nakita niyo ba kung sino?"mabilisan nitong tanong muli.

Umiling siya. "Hindi. Agad na umalis na kami..hinila na ko paalis sa lugar na yun ni Vivian kaya hindi na ko nagkaroon ng pagkakataon na hanapin ang taong iyun,"aniya.

Tumahimik ang kaibigan ng ilang saglit.

"Sa palagay mo..may hindi ba sinasabi sayo si Vivian?"

Hindi siya nakaimik. Naalala niya ang mga araw na napupuna niya ito na may bumabagabag rito.

Naikuyom niya ang mga palad.

"May nagbabanta sa buhay niyo o may gustong pumatay sayo kung ikaw ang target,Bituin.."pukaw sa kanya ng kaibigan.

"Nitong mga nakaraan araw napapansin ko may bumabagabag sa kanya,"pagsasabi niya sa kaibigan.

"Hindi ko na kailangan ianalyse pa,Wendell. May nagbabanta sa buhay niyo o ni Vivian. Mag-ingat kayo at lalo ka na,walang patawad ang mga tao,bituin..wala sila sinasanto sa pagiging masama nila,"anang ng kaibigan.

"Hindi niya gusto na malaman ko pa,"may frustrated na sa tono niyang sabi.

"Read her mind,"agad na tugon nito.

Hindi siya nakakibo sa sinabi nito.

"But i promise to her not to do that,"mariin niyang saad.

Dismayadong napalatak sa kabilang linya ang kaibigan.

"Under ka na agad..pero para naman ito sa kaligtasan niyo. Kung ayaw mo may mangyari masama sa kanya gawin mo na,bituin..kung ayaw mo pagsisihan sa huli,"

Natahimik na lamang si Wendell matapos ang pag-uusap nila ni Alazis.

May punto ito. Kung hindi niya gagawin iyun sigurado siyang mababaliw siya sa pagsisisi kung hindi siya aaksyon kahit na masira ang pangako niyang iyun.

Nilingon niya ang nakabukas na pintuan ng silid kung saan mahimbing pa rin natutulog ang dalaga.

"I'm sorry,mylabs..kailangan ko muna sirain ang pangako ko sayo,mahal na mahal kita kaya gagawin ko ito para sa kaligtasan mo,"usal niya sa kawalan habang nakatanaw sa dalaga.

Kinabukasan,hindi niya namulatan sa tabi niya ang kasintahan. Agad na hinanap niya ito pero ayon sa sticknote na nakadikit sa nakatakip sa inihanda nitong almusal para sa kanya ay nagsabing maaga itong pumasok sa istasyon nito dahil sa emergency meeting.

Napabuga siya ng hangin. Hihintayin na lamang niya ito mamaya saka niya papasukin ang isip nito para malaman ang totoo nangyayari.

SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon