Chapter 30

1.1K 56 7
                                    

DEATH THREAT

May ngiti sa mga labi ni Vivian habang tinutungo niya ang kanyang motor nakatitig siya sa screen ng phone niya. Nagpadala ng mensahe ang kasintahan si Wendell na hinihintay na siya nito sa bahay at naghanda ng dinner nila.

Ginabi siya ngayon dahil marami pagbabago ang nangyari sa loob ng station nila mula ng maresolba na ang kaso ng dating kasintahan at magresign ang chief nila. Ngayon nila nakilala ang bagong chief nila at may mga pagbabago nga na patakaran sa loob ng istasyon nila. Marami ang nalungkot at nadismaya sa pagkakasangkot ng dating chief nila sa kaso ng dating kasintahan pero hindi naman iyun malinaw sa lahat kung totoo nga ba iyun o hindi. May ilan na naniniwala na iba ang dahilan ng dating chief nila. Nalulungkot siya para sa dating chief pero kailangan din naman nito iyun harapin. Lahat na maling gawain ay may kaakibat na consequence.

Dinampot na niya ang kanyang helmet ng matigilan na may malaglag na puting papel. Hindi niya sana iyun pupulutin pero gumana ang instinct niya sa ganun bagay.

Yumukod siya para damputin iyun na nahulog sa paanan niya. Kulay pulang tinta ang ginamit sa pansulat.

Gusto mo ba makasama ang mga magulang mo?

Nanlamig siya sa nabasa. Agad na naging alerto siya. Luminga-linga siya sa buong paligid.

Hindi ito ang unang beses na nakatanggap siya niyun pero ..inaasahan niya wala ng ganito dahil tapos na ang lahat!

Mariin niya naikuyom ang mga palad. Base sa pinapahayag ng sulat. May hinala na siya kung sino ang nagbabanta sa buhay niya.

Hindi imposible na gawin nito iyun kahit pa nasa kulungan na ito. Sigurado siya may kumikilos para rito.

Bukas na bukas din ay pupuntahan niya ito.

Sumakay na siya sa motor niya. Naghihintay sa kanya ang kasintahan. Wala siyang balak na ipaalam muna rito ang tungkol sa banta iyun gayun alam naman niya kung sino ang may pakana. Malaki na naitulong sa kanya ng kasintahan at ng mga kaibigan nito. Gusto niya gantihan ang kasintahan sa pagtulong nito sa kanya sa pamamagitan na pagtuon niya ng oras rito at pagmamahal.

"Mylabs!!!"

Agad na napalitan ng liwanag ang madilim niyang isip dahiL sa banta na natanggap ng masaya siyang salubungin ni Wendell.

"I miss you,mylabs!"pagyakap nito sa kanya pagkatanggal ng helmet niya.

" maghapon lang tayo di nagkita e..para kang teenager!"

Tumawa ito. "Eh Bakit ba? Inlab yung tao e,uh,butuin na tao pala!"

Napapailing na natawa siya sa sinagot nito.

"Halika na sa loob! Baka lumamig na yung dinner natin!"inakbayan siya nito at iginiya na papasok ng bahay.

Bukas na niya iintindihin ang bagong problema na naman sa ngayon...gusto niya maging masaya sila ng kasintahan ngayon gabi.

SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon