Chapter 2

251 5 0
                                    

Gabi na nang makauwi si Byul dahil hinatid pa niya si Ryujin sa gate ng village nila. Hindi sila legal both sides at ang mga parents nila ay walang kaalam alam na matagal na sila may relasyon.

May kaya ang pamilya ni Byul pero hindi sila ganoon kayaman. Unlike sa estado ng buhay ni Ryujin na masyadong nakakaangat talaga ang kanyang pamilya.

Sa labas palang ng kanilang tahanan ay rinig na niya ang sigawan ng kanyang mga magulang.

"Hayop ka! Kung hindi ka sana nagsugal at nagwaldas ng pera para mambabae, meron pa sana tayong natitirang pera!" rinig niyang sigaw ng kayang ina.

"Putangina ka! Wag mo kong pakialaman kung anong gusto kong gawin sa buhay! Hindi naman ikaw ang nagtatrabaho at nasa bahay ka lang!" sagot na ibinalik ng kanyang ama.

Hindi na ito bago sakanya kaya dirediretso lang siyang pumasok at tuluyang umakyat ng hagdan nang hindi sila pinapansin. Hindi naman physically sinasaktan ng tatay nila ang kanilang ina, pero kung tutuusin, sobra ang sakit na dulot niya pagdating sa emosyon at sa mga salitang binibitawan nito.

"Byul!" sigaw ng kanyang ina na dahilan ng pagtigil niya sa paghakbang.

Nilingon niya ito habang papalapit sakanya. "Wala nang trabaho ang tatay mo. Hindi na siya makakasakay ng barko dahil may nakaaway siya sa agency nila. Wala narin tayong natitirang pera. Tapos mo na bang ayusin yung OJT mo? May allowance naman kayo dun diba? Ipunin mo nalang yun para may pambayad ka sa finals niyo at sa gagastusin niyo para sa graduation."

Hindi makapaniwalang tinignan naman ni Byul ang kanyang ina. "Ma, kulang yun. Tsaka hindi yun magiging sapat. Hindi naman ganun kalaki magbigay ang company lalo na pag OJT ka lang. Yung iba nga, walang bayad, e. Tsaka paano naman yung pamasahe at kakainin ko sa pang araw araw? Nga pala, ngayon ko lang naalala. May utang pa pala tayo sa school nung prelim. Hindi naman ata pwedeng magpromissory note ulit ako ngayong midterm."

Biglang napasabunot sa buhok ang kanyang ina. Kita sa mukha nito ang frustrations at kawalan ng pagasa na makakagraduate pa ang kanyang anak.

Matalinong estudyante si Byul at masyadong pinapahalagahan ang kanyang pagaaral. Kaya naman simula palang nung pagtungtong niya ng college ay consistent na ang kanyang pagiging top 1 sa klase. Hindi naman ito nag-apply para sa scholarship dahil naniniwala siyang may mas deserving pa nun. Noon na may kakayanan pang tustusan ng kanilang ama ang lahat ng gastusin nilang magkakapatid sa pagaaral.

Hindi na muli pang nagsalita ang kanyang ina at para bang pinipigilan nito ang sarili na magsimulang humahulgol sa harap ng kanyang anak.

Malaki ang tiwala at paghanga niya kay Byul. Samantalang ang kanyang ama naman ay ni minsan, hindi siya sinuportahan at humanga sakanya.

Para sa ama niya, pabigat lang silang lahat. Maagang nabuntis ang kanyang ina kaya naman hindi na nakapagtapos ang ama niya at nagsimula nang magtrabaho para buhayin silang pamilya. Ang pangarap nitong maging piloto ay tuluyan nang naglaho dahilan nang pagtanim ng sama ng loob nito sa kanilang ina pati narin sa kanila ng kanyang nakababatang kapatid na si Moon Seulgi.

Lumipat naman ang tingin ni Byul sa taong nasa likod ng kanyang ina. Mariin niyang sinara ang kanyang kamao at galit na tinignan ang kanyang ama.

"Kahit kailan, hindi ako magiging katulad mo." bulong ni Byul sa kanyang sarili.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Where stories live. Discover now