Chapter 21

137 2 0
                                    

Third POV

Maagang pumunta si Jinyoung sa main branch ng company ni Yongsun sa manila. Hindi pa bukas ang office hours ay nandito na ito agad sa harap ng kanyang building, habang patuloy na naghihintay na mag alas otso ng umaga.

Agad naman itong tumungo sa meeting room na sinasabi ni Yongsun at hinintay ang CEO ng kumpanya na imemeet niya for the proposal.

"Sorry, I'm kinda late." bungad ni Yongsun nang makitang naghihintay sakanya sa loob si Jinyoung.

Sila lang ang tao ngayon sa conference room dahil ididiscuss lang naman ni Jinyoung ang ipepresent niya kay Yongsun, hindi narin kailangan ng executives dahil parang may papapirmahan lang ito kay Yongsun.

Umupo na si Yongsun na medyo malapit at hindi rin naman malayo na upuan kay Jinyoung at sinimulan nang makipagusap dito.

"Ang layo mo naman sakin." biro ni Jinyoung dahil masyadong seryoso ang mukha ngayon ni Yongsun.

"Jinyoung? Don't add up any unnecessary things. I want you start right away. Ayokong nasasayang ang oras ko." mataray na pagkakasabi nito at tila ba naiinip na sa project na ipapasa ni Jinyoung na nasa folder lang na hawak niya.

Sumeryoso bigla ang mukha nito at sincere na tinignan si Yongsun. "Yongsun, I know you're only here for the proposal. But could you please, atleast give me a chance? Hindi naman ako masamang tao, Yongsun." sincere na pagkakasabi nito.

"How many times do I have to tell you, I'm not emotionally available? I'm not going to involve myself into a relationship. A date, a mutual understanding with someone. I'm not that kind of person, Jinyoung. And you should know that by now." formal na pagkakasabi ni Yongsun, pero ramdam niya sa sarili na puro kasinungalingan na lamang itong mga sinasabi niya dahil she even broke her own rule for Byul.

Ang isang bagay na alam niyang hindi na niya matatakasan pa.

"Just like what you did to my step dad?" nakataas kilay nitong sinabi kay Yongsun.

Napatigil naman bigla si Yongsun sa sinabi niyang 'yon. "What do you mean?" patay malisya nitong sabi.

"You know what I mean, Yongsun. You do this for what? For your business growth? You offer yourself to anyone who will benefit you? Akala mo hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ng daddy ko?" may pagkabitter ang sinabing 'yon ni Jinyoung.

Tumawa naman ng pagka sarcastic si Yongsun dahil sa sinabi niya. "Kaya ba nandito ka ngayon? To offer you my secret services? Kung yun lang din naman ang pakay mo rito, then I'll have to inform you I don't do those things anymore. Nagsasayang ka lang ng oras dito."

Sa kalagitnaang paguusap ng dalawa ay walang kamalay malay ang mga ito na nakabukas na pala ng kaunti ang pinto at rinig na rinig ni Byul usapan nila ni Jinyoung na nakikinig lamang sa labas ng conference room.

"Kaya nga ko nandito, Yongsun. Because I want to be the guy who would do the opposite. If you think na ganon lang ang habol at tingin sayo ng mga lalake, then ibahin mo ko sakanila. I'll be the man who will respect you the way you deserve to be respected. I'm damn serious when it comes to you,Yongsun."
seryoso ang pagkakasabing 'yon ni Jinyoung sakanya at halata sa mukha niya ang pagiging sincere.

Hindi na muli pang nakasagot si Yongsun dahil napaisip ito kahit hindi naman dapat na icompare niya ito kay Byul.

She wondered...

Iingatan kaya siya ni Jinyoung at hindi sasaktan physically and emotionally?

Kahit hindi naman dapat ay napaisip siya bigla.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon