Chapter 72

62 1 0
                                    

Did I heard it right?

Third POV

"Chae, tignan mo nga si Ryujin. Namumula na, daming ininom eh." nagaalalang tanong ni Yeji sa lasing na kaibigan. Chineck naman ito kaagad ni Chaeryeong para alalayan.

"Hoy, byul! Wala ka talagang kwenta eh noh?! Tignan mo 'to lasing na lasing si Ryujin!" galit na bungad ni Lia sa kararating lang na si Byul. Halatang nakainom rin ito ng marami at katatapos lang din kumain kasama nila Seulgi sa kusina.

"Lah gago. Hahahahaha kayo kasama ni Ryujin eh. Ba't niyo pinainom ng marami?" siraulong tugon ni Byul dahil lasing narin ito katulad ni Ryujin.

Napahawak naman bigla sa upuan si Yeji para ihampas sana sa katawan ni Byul, ngunit mabilis na pinigilan ito ni Chaeryeong. "Beh, wag tayo magsimula ng gulo dito. Birthday ni Ryujin. Dapat happy ang lahat." pagpigil ni Chaeryeong sakanya.

Sakanilang lima ay si Yeji at Chaeryeong lamang ang hindi pa nalalasing at nasa katinuan parin. Kita naman nila na unti unti nang inaalalayan ni Byul patayo si Ryujin sa upuan.

"Byul." biglang tawag ni Yeji na nagpatigil sa pagalalay ni Byul kay Ryujin.

Nilingon naman ito ni Byul atsaka iniupo muna si Ryujin para puntahan ang tumawag sa kanyang pangalan. "Ano yun?" nagtatakang tanong ni Byul sa seryosong nakatingin na kaibigan ni Ryujin.

Huminga naman muna ito ng malalim bago sabihin ang kanyang bilin kay Byul. "Pwede bang.. wag mong papabayaan si Ryujin? Alam ko masyado ako naging kunsitador pagdating sakanya. Kahit na ilang beses mo yang sinaktan noon. Sinusunod ko parin yung mga favor niya na ipaalam siya sa parents niya para lang sayo. Hindi ko naman ginusto 'to nung una. Pero dahil para sa ikakasaya ni Ryujin, eh gagawin ko ang lahat. Kaya ingatan mo yan ng mabuti, ha? Wag mo na ulit sasaktan. Kahit pa na dumating na ulit si Ms. Kim sa buhay niyo. Patuloy mo parin siyang piliin. Dahil deserve ni Ryujin yun. Deserve niyang maging masaya." pagpapaliwanag ni Yeji atsaka mabilis na tinalikuran si Byul. Sinundan naman ito kaagad ng mga kaibigan niya at lumingon muna kay Byul bago isa isang tuluyang umalis.

Dahil nakainom at wala na sa wisyo ay hindi naman ito naintindihan ni Byul ng maayos at bumalik na kaagad kay Ryujin para tulungan nang makatayo ang kanyang girlfriend.

Inalalayan ito ni Byul maglakad hanggang tumungo sa kwarto nila at maingat na inihiga si Ryujin sa kama. "Hmm, love." mahinang tawag ni Ryujin sakanya na pilit idinidilat ang mata.

Sinarado naman ni Byul kaagad ang pinto dahil natutulog na sila Kisum sa baba, sa may sala at baka marinig pa sila ng mga ito pag nagkataon.

Mabilis na bumalik si Byul sa nakahigang si Ryujin. Habang nakahiga ay nakangising tumingala naman sakanya si Ryujin na wala narin sa wisyo. "I love you, Byul. thank you. I love you so much." paulit ulit na sambit ni Ryujin, na nagsilbing musika sa tenga ni Byul.

Dahil lulong sa alak ay nagsisimula nang magiba ang paningin ni Byul at unti unti ay lumalabo. Nagsimula na itong pumaibabaw sa nakahigang si Ryujin at agad naman siyang niyakap nito para salubungin. Magkalapit ang mukha nilang nagkatinginan sa isa't isa. At dahil parin sa epekto ng alak ay kusang nagiba ang itsura ni Ryujin at napalitan ng isang pamilyar na mukha na pumalit sa katayuan niya.

Sabik at wala na sa katinuan, sabay na lumapat ang labi nila sa isa't isa. Binuka naman ni Ryujin ang bunganga niya para lamunin ito ng buo ni Byul. Kapansin pansin din ang pagiging uhaw ni Byul dahil matagal tagal narin simula nang huling nakipagtalik siya kay Ms. Kim.

Mabilis at madiin ang pagkakahalik niya kay Ryujin, nahirapan pa ngang sumabay ito dahil sa mabilis na pag galaw ng labi ni Byul. Napahawak naman si Ryujin sa leeg niya at ang mga kamay naman ni Byul ang tumungo sa bewang niya.

"Mhmmm..." mahinang paglikha ng tono ni Ryujin dahil naninibago pa ito sa halik ni Byul, dahil wala naman kasing nangyare sakanila simula pa noon.

Sa loob ng isipan ni Byul ay lumikha ang isang imahe ng babae. Napiring ang mga mata at nakagapos ang mga kamay. Kusang nagreply sa alaala niya ang mga bagay na ginawa niya dati kay Yongsun. Dahil napipigilan na ang sarili na hindi makapanakit, hindi naman maitago sa sarili ni Byul ang labis na pagkaulila niya na makipagtalik ulit.

Dahil sa namumuong gigil ay mas diniinan pa ni Byul ang paghalik niya kay Ryujin. Kahit nahihirapan sumabay ay tinugon iyon lahat ni Ryujin. She even flinched nang biglang ipasok ni Byul ang dila niya at tumama ito sa sarili niyang dila. Naglaro ang kanilang mga dila na sinabayan lang din ni Ryujin kahit hindi ito gaanong marunong at naninibago parin. Nakaramdam naman ito ng kaba dahil kahit lasing ay aware siyang may nangyayari sakanila ngayong dalawa ni Byul at hindi siya nakapaghanda.

Halos malunok naman niya ang mga laway ni Byul na kusang nalilipat sakanya at napapikit na lamang ito habang patuloy na dinadamdam ang mga halik ni Byul.

Laking gulat naman niya ng bigla itong umungol ng malakas at nagbanggit ng ibang pangalan.

"Ahhhhhh.... Yongsun." dahilan para idilat ni Ryujin ang mga mata at malakas na itinaboy ang mukha ni Byul dahil sa labis na pagkagulat.

"Ano?!" nanlalaki matang reaksyon ni Ryujin. Napanganga na lamang ito at napatakip ng kanyang bunganga dahil hindi parin ito makapaniwala.

Parehas na tila bumalik sa katinuan ang dalawa at parehas na nawala din ang pagkalasing dahil sa nangyare.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Where stories live. Discover now