Chapter 55

82 1 0
                                    

Water Splash!

Third POV

Magkahawak ang kamay ng dalawa habang mabagal na naglalakad at nililibot ang loob ng amusement park.

May iilang rides, store stand at mga palaro sa buong paligid. Mga batang nagtatakbuhan, buong pamilya na magkasama at siyempre, hindi mawawala ang mga magkasintahang nagpapalipas ng oras.

Habang naglalakad ay may biglang pumukaw ng atensyon ni Byul. Naglakad ito papunta sa may sign na nasasabing 'hiring' at agad na kinuha ang phone para picturan.

"Byul? Magaapply ka? Nagshoshort ka ba ngayon sa budget?" pagtatakang tanong ni Yongsun sakanya.

Umiling naman si Byul at agad na sinagot si Yongsun. "Hindi. Sobra sobra nga yung nakukuha kong allowance galing sayo eh. Salamat, Yongsun ha? Siguro kung hindi dahil sayo, baka hindi na ko nakagraduate." nakangiting tugon ni Byul.

Dahil hindi parin maialis ang pagtataka, ay muling tinanong niya si Byul. "Eh ba't kailangan mo pang mag part time? Para saan?" she asked.

Ngumiti naman si Byul at bago pa man ito sumagot ay bigla namang tumili si Yongsun. "Ahh!" tili niya dahil sa sobrang pagkagulat.

Paulit ulit ay may mga tumamang tubig sa mukha niya at walang tigil na sumasaboy ng tubig.

"Ryujin." mahinahong tawag ni Byul nang lingunin niya ito at nakitang may malaking watergun sa kamay ni Ryujin habang patuloy na binabaril si Yongsun ng tubig.

Tumigil ito bigla at agad na tumawa ng malakas nang lumingon si Yongsun. "Ano? Nabasa ka ba, Ms. Kim?" pangasar na wika ni Ryujin.

Sa likod niya, ay ang mga barkadang sina Yuna, Chaeryeong, Lia at Yeji na naka pamewang at masamang nakatingin sa dalawa.

May mga dala din itong watergun at tila ba, parang naghihintay lang ng hudyat kung kailan sila aatake.

"Ryujin, hindi mo ka-edad si Yon-- Ms. Kim. Itigil mo yan." kalmadong wika ni Byul na patigilin siya.

Itinutok naman bigla ni Ryujin ang watergun sa direksyon ni Byul. Tumingin ng masama at iniangat ang isang kamay na nagsisilbing senyas upang siya ang magsabi kung kailan aatake.

"Ano? gusto mo rin, Byul? Tutal mahilig naman kayo sa basa eh." nangangalaiting sabi ni Ryujin dahil hindi siya natutuwang mahuli ang dalawa, na magkahawak ang kamay habang naglalakad sa amusement park.

"Love nam--" hindi na natapos pa ni Byul ang sasabihin nang bigla namang pinatunog ni Ryujin ang daliri niya at sumenyas na tirahin na ang dalawa.

"Tangina!" pagmumura ni Byul dahil sa mga tubig na tumama sa iba't ibang parte ng katawan niya at agad na pinunasan ang mukha dahil hindi na ito makakita.

"Mga beh? Bakit si Byul lang? Tara tirahin din natin yung kabet!" rinig ni Byul na pagkakasabi ni Yeji at naghati naman ang grupo nila Ryujin para patuloy ng pagbabarilin ng tubig
ang dalawa.

"Ahhhh!!" malakas na tili ni Yongsun nang magsimulang lumipat sila Yeji, Ryujin at Yuna para sabay sabay na tirahin ng tubig ang mukha ni Yongsun.

"Tangina niyo!" gigil na sigaw ni Byul at mabilis na tumakbo papalapit kay Yongsun para saluhin ang lahat ng tubig.

"Gago ka, Byul! Umalis ka diyan!" sigaw ni Yeji at mas lalong lumapit sakanilang dalawa para tamaan si Yongsun.

Niyakap ito ng mahigpit ni Byul at ibinaon ang ulo ni Yongsun sakanyang dibdib para hindi ito matamaan ng tubig sa mukha.

"Ahhhhhh!!!" galit na sigaw ni Ryujin nang makitang magkayakap ang dalawa.

Gumawa naman ng bilog ang grupo nila Ryujin para paligiran ang dalawa at walang tigil sa pinagbabaril ng tubig sila Byul sa iba't ibang parte ng kanilang katawan.

Tumigil bigla si Ryujin at padabog na lumipat kila Yongsun para paghiwalayin ang dalawa. "Byul! Bakit mo pinoprotektahan yan?! Lumayo ka diyan!" inis na pagkakasabi ni Ryujin atsaka hinila ang damit ni Byul na halos parang mahuhubaran na.

Patuloy parin ang pagtira ng mga kaibigan ni Ryujin sa likod ni Ms. Kim,habang nakangising sumasaboy ng tubig sa basang katawan at damit ni Yongsun.

"Hindi ako bibitaw pag hindi kayo tumigil! Patigilin mo yang mga kaibigan mo, Ryujin! Putangina nabibwisit na ko!" nagsimula nang manglisik ang mga mata nito habang nakatingin ng masama kila Yeji, na nagpatayo naman ng balahibo ni Ryujin.

Ito ang unang beses na nasaksihan ni Ryujin kung paano naglaho at biglang nawala ang maamo at mapagpatawad na mukha ni Byul.

Ilang beses na niya itong nakitang magalit, pero masama ang kutob niya na hindi ito kagaya ng dati. Iba ang nararamdaman niya ngayon para kay Byul. At unti unting namang umuukit sa mukha nito ang namumuong galit at sama ng loob na kinatakot ng husto ni Ryujin.

"Yongsun." matigas na pagkakasabi ni Byul.

Napabitaw bigla si Ryujin sa pagkakahila ng damit ni Byul. At sumenyas sa mga kaibigan na itigil na ang kalokohang ginagawa nila sa dalawa.

Nang matapos ay agad na bumitaw si Byul sa pagkakayakap kay Yongsun at mabilis na umatras palayo habang pilit na sinasabunutan ang ulo.

Napaupo ito bigla sa sahig at malakas na sumigaw ng paulit ulit, na halos mapunit ang kanyang lalamunan. "Ahhhhh!!!! Tama na!!!!" nagwawalang sigaw ni Byul na nagnakaw ng atensyon sa lahat ng taong nasa paligid nila.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Yongsun na diretsong nakatingin lang kay Byul at awang awa sa sitwasyon niya.

"Mga beh? Anong nangyayari kay Byul? Parang nasisiraan na ng ulo." rinig ni Yongsun na wika ng isang kaibigan ni Ryujin mula sa likod niya.

Puno ng pagtataka at kaba namang tinignan ni Ryujin si Yongsun na tila wala paring ideya sa nangyayari. "Ms. Kim? Bakit nagkakaganyan si Byul? Sabihin mo nga sakin ang totoo." dilat mata nitong sabi.

Nilingon ito ni Yongsun at kahit na gustong sampalin at sabunutan ay sinagot niya ito ng maayos. "May sakit si Byul. May sakit siya sa pagiisip." pagamin niya.

Natigilan bigla si Ryujin at kahit ang mga kaibigan niya ay narinig ang lahat ng iyon mula kay Yongsun.

"Ano daw mga beh?" seryosong wika ng nasa likod ni Yongsun.

Hindi niya ito pinansin at agad na tumayo sa harapan ni Ryujin para sa kanyang importanteng sasabihin. "Lapitan mo si Byul, Ryujin. Hawakan mo. Yakapin mo. Pakalmahin mo. Ikaw lang ang makakagawa niyan sakanya." kahit masakit ay walang nagawa si Yongsun kundi utusan ang girlfriend nito.

"Ms. Kim. Baki--" naguguluhang tanong ni Ryujin at biglang naputol ang kanyang sasabihin nang biglang sumigaw si Yongsun.

"Basta gawin mo! Alam kong hindi mo ko maiintindihan pero kailangan mong mapakalma si Byul! Kailangan ka niya!" sunod sunod na sigaw ni Yongsun.

Napapikit na lamang si Ryujin at agad na tumakbo papalapit kay Byul, na kasalukuyang sinasabunutan ang sarili at hindi parin natigil sa pagsigaw.

"Love? Tama na, please? I'm sorry." nagaalalang wika ni Ryujin at agad na umupo sa sahig para pakalmahin at yakapin ng mahigpit ang nagwawalang si Byul.

Kitang kita ng mga mata ni Yongsun kung paano yakapin at paulit ulit na halikan sa noo ni Ryujin ang taong pinaka mamahal niya.

Unti unti ay parang nadudurog ang puso ni Yongsun at gumuguho ang mundong patuloy na nakatingin sa dalawa.

At hindi nga siya nagkakamali,

Dahil lumambot naman ang mga mata ni Byul at biglang tumigil sa pagwawala. Yumakap ito pabalik kay Ryujin na mas lalong kinadurog ng puso ni Yongsun.

Para kay Ryujin, napakadali lang ng lahat.

Hindi man lang nito naranasan ang mala impyernong sinapit niya kay Byul.

Basang basa ang damit at puno ng tubig ang buong katawan na naglakad palayo si Yongsun sa kinatatayuan niya.

Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay ang pagbagsak ng mga ulan sa langit at mabilis na tumakbo ito palabas ng amusement park.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Where stories live. Discover now