Chapter 29

114 3 0
                                    

Yongsun POV

Yongsun woke up on the other side of the bed..... Again.

But surprisingly,

This time, with the same person.

Sobrang bago ang lahat ng ito para kay Yongsun.

The night after has always been and will always been the last.

Pero here she is,

Naistuck sa isang taong pagmamay ari na ng iba.

"Good morning, Yongsun." nakangiting bati ni Byul sakanya habang nakatingin parin si Yongsun sa kanyang cellphone.

"Walang good sa morning, Byul." mataray na sagot ni Yongsun at inirapan si Byul.

"Sungit naman. Porket walang nangyari satin kagabi eh. Hahahaha." natatawang biro ni Byul sakanya na nagsimulang magpaisip kay Yongsun.

Walang nangyari sakanila kagabi.

Pilit na inalala ni Yongsun ang mga eksenang nangyari kagabi.

Flashback

Byul POV

"Byul, nasusuka ako." wika ni Yongsun nang makaramdam na parang nasusuka ito.

Natataranta namang inihiga ni Byul ang katawan ni Yongsun sa kama at nagmamadaling kumuha ng plastik para ilagay at mashoot dito ang suka niya.

"Tangina naman, Yongsun! Hindi mo na ko hinintay. Dito ka pa talaga sumuka. Sa kama ko pa talaga?! Badtrip naman oh!" naiiritang bungad ni Byul nang makitang sa mismong kama niya ito sumuka at hindi na hinintay yung plastik na iaabot niya.

"Hehehe byul...." pangasar na tawa nito at sumuka pa ulit ng marami.

"Yongsun, ano ba yan tangina naman. Hahahaha." kahit naiinis ay natawa na lamang si Byul nang saluhin ni Yongsun ang mga suka niya gamit ang kamay.

"Ang baboy wala. Hahaha. Grabe ikaw ba talaga yan, Ms. Kim? Parang hindi ikaw. Hahaha." nawala naman ang mga pagnanasang bumabalot sakanya kanina nang makita niya ang kalagayan ni Yongsun ngayon.

Habang tinititigan lamang ni Byul ang babaeng nagkakalat ngayon sa kama niya ay biglang umukit ang isang ngiti sa labi niya.

Imbis na mandiri ay natawa nalang ito at matagal na tinitigan ang babaeng nasa harap niya ngayon.

Si Ms. Yongsun Kim, ang isa sa sikat na entrepreneur sa bansa. Isang independent woman at kayang kayang dalhin ang kanyang sarili sa harap ng maraming tao.

Is the same person na nasa kwarto ngayon ni Byul na kailangan alagaan dahil sa mga kalat na ginawa niya.

Lumabas muna ito ng kwarto para kumuha ng isang basang face towel, planggana at ng bagong sapin sa higaan dahil puno na ng suka ni Yongsun ang kama niya.

Pagkabalik niya ay bumungad sakanya ang natutulog na si Yongsun na basang basa sa kama dahil sa mga suka.

"Argh... Yongsun talaga." naiinis man ay nakangiti parin ito habang pilit na ginigising si Yongsun para punasan.

"Byul... naman eh... Antok na ko." angal nito at ngumuso pa kay Byul dahil bigla niya itong ginising.

"Kung 'di lang amoy alak at suka yang bibig mo. Hinalikan na kita." nakangising biro niya kay Yongsun.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Where stories live. Discover now