XII

267 17 5
                                    

#EOTHMemoriesFromthePast

Chapter Writer: @riyanejoy
Editor: @ciewrites
Proofreader: @reallymargarett101

Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-
REGINE.

"Kung sumama ka sa'kin para mang-inis, bumalik ka nalang sa hotel." pag-susungit ko.

"Joke lang, eh. Hindi ka na talaga mabiro." nagtatampo ang tono niya kaya otomatikong tumaas ang kaliwang kilay ko nang hinarap ko siya

"Stop making tampo, Rivera. Hindi bagay sa'yo." saad ko at tumawa sa reaksyon niya.

"Hindi na nga. Mamaya hindi mo nanaman ako kausapin, eh." biro niya at inakbayan ako. Ngumiti nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad at sa pakikipagsiksikan sa mga tao.

Mabilis kaming natapos sa pamimili ng mga kailangan. Wala din naman naging problema sa bulaklak na in-order ko kaya ang gagawin ko nalang pagbalik sa hotel ay ang tawagan ang mga dapat tawagan.

"Tara na. Ang dami ko pang dapat ayusin at gawin." anyaya ko sa kaniya. Agad naman naming nahanap ang dala niyang motor at isinabit doon ang mga pinamili namin.

Luckily, nakarating kami ng matiwasay sa hotel at hindi siya nang-asar habang nagmamaneho. Agad akong pumasok ng kuwarto ko at ginawa ang dapat gawin. Sinulat ko ang lahat ng mga dadalo, kabilang na rito ang mga stylist na mag-aayos kay Sarah.

Nang matapos, nag-inat inat ako at tuluyang lumabas ng kuwarto ko. Tsaka ko na poproblemahin ang istoryang sinusulat ko, mahaba pa ang oras ko para gawin ang bagay na 'yon, bago pa man kami makarating dito, natapos ko na ang kalahati ng libro. Kung hindi ako nagkakamali, lagpas pa sa kalahati dahil ang nagawa ko nung nakaraan ay hanggang Chapter 75. 25 chapters to go and then, boom! Tapos na.

Pababa na sana ako nang tumunog ang telepono ko. Agad ko itong sinagot, at gaya ng nakasanayan, hindi ko nanaman tinignan kung sino ang tumatawag.

"Reg." Okay, its Cacai. Hay, itong babaeng 'to talaga.

"Hi, Kaks! Chapter 75." bati ko. Alam kong itatanong nanaman niya kung nakakailang chapter na ako sa libro, inunahan ko na.

"Good to know. Ingatan mo ang sarili mo diyan, may mga trabaho ka pang naiwan dito." She said. Tumawa lang ako at nagsalita.

"Yeah. Hayaan niyo muna ako i-enjoy ang dream place ko, Kaks." I said then hanged up. Nakangiti akong pumasok ng elevator at pinindot ang floor kung saan matatagpuan sila Lea. May kasalanan pa sa'kin 'yon.

Nakangiti akong naglakad papunta sa direksyon nila. Para silang mga batang nag-lalaro ng buhangin.

"Reg, you want to join us?" tanong ni Pops at patuloy pa din sa pag-bato ng buhangin sa mga kasama. Ngayon ko lang napansin na nakikipaglaro din pala sila Sarah, Matteo at Ariel sa dalawang 'to. Tatalikod na sana ako sa kanila upang kumuha ng makakain nang may bumato naman sa'kin ng buhangin sa likuran ko. Putangina.

Ecstasy of the HeartWhere stories live. Discover now