XXXI

270 11 3
                                    

#EOTHWeirdSilence

Chapter Writer: @riyanejoy
Editor: @cie_writes
Proofreader: @reallymargarett101

Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

--

REGINE.

Nagising ako nang maramdaman kong gumalaw ang kama at kasunod nito ang brasong umakap sa'kin.

"Goodmorning." pikit matang bati ko sa katabi kong nakayakap sa'kin.

"Gising ka na? Goodmorning." bati niya. Iminulat ko ang mga mata ko at ngumiti.

"Gutom na ako." reklamo ko.

"Ako nalang kainin mo, misis ko." sabi niya at hinalikan ako sa labi. Kita mo 'tong isang 'to!

"Tarantado! Tumayo ka na nga diyan at maaga pa tayo luluwas ng Manila. Baka hinahanap na din tayo ng mga kaibigan ko sa baba." bulyaw ko at hinampas siya sa dibdib bago tumayo. Hinablot ko ang bed sheet na nakabalot sa'kin at tumungo sa banyo. Siguro ay mas maaga nagising 'to si Ariel sa'kin dahil nakabihis na siya nang gumising ako.

"Hoy, Regina! Bakit tanghali na kayo gumising ha?" rinig kong sigaw ni Lea mula sa labas ng banyo. Here we go again, Lea Carmen. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagsasabon ng katawan ko.

Tirik na din ang araw hindi kagaya kahapon at nung isang araw na madilim at maulan kaya napagdesisyunan na din naming umuwi dahil madami kaming trabahong naiwan sa Manila.

"Ano ba naman 'tong mga 'to! Ang kalat niyo sa kuwarto, ha? Kung magsesex kayo 'wag niyo naman binabato mga damit niyo." reklamo ni Lea nang makalabas ako sa banyo. Iginala ko ang paningin ko sa buong kuwarto ngunit kahit anino ni Ariel ay wala akong nakita.

"Dinalhan na kita ng pagkain kasi alam kong hindi nanaman kayo makakababa ni Ariel. Kumain ka na bago tayo umalis." sabi niya. Puno ng pagtatakang tinignan ko siya kaya kaagad naman siyang nag react.

"May lason 'yan. 'Wag kang ano. Si Ariel nga pala pinalabas ko muna dahil pinapatawag ni Tita Divine sa mumunti niyang opisina." biro niya.

"Siraulo ka talaga. Nasaan si Pops?" tanong ko habang naghahanap ng damit na isusuot ko.

"Nag-aayos ng kuwarto nila. Ang kalat daw kasi kagabi. May ginawa ba kayo habang tulog kami?" tanong niya. Goodness gracious, Carmen!

"Ang daldal mo, Lea Carmen. Ano bang puwede ko ipakain sa'yo para tumahimik ka?" inis na sabi ko at tinanggal ang pagkakatapis ng tuwalya sa katawan ko.

"Its natural. Magbihis ka na nga! God, my virgin eyes!" sigaw niya at tinakpan ang dalawang mata.

"Napakaarte, Lea!" sabi ko at nagsimulang magbihis.

"Maganda kasi ako." sabi niya at tinanggal ang dalawang kamay niya sa mga mata niya bago niya hinawi ang buhok niya.

"Ewan ko sa'yo. Inaway mo nanaman kasi ang boyfriend mo kaya nandito ka nanaman." iiling-iling kong sabi sa kaniya at inayos ang damit ko.

Ecstasy of the HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora