XXVIII

304 10 2
                                    

#EOTHRemindsMeOfYou

Chapter Writer: @riyanejoy
Editor: @cie_writes
Proofreader: @reallymargarett101

Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

--

REGINE.

Tahimik naming naubos ang pagkain namin nang walang kahit sino ang gustong magsalita magmula nang sabihin ni Ariel ang tungkol sa anong mayroon kami ngayon.

Nagpapalitan lang kami ng tingin lahat hanggang sa magtama ang paningin naming tatlo ni Lea at Pops at nagsimulang tumawa. See? We have powers.

"God. Natatawa ako kapag nakikita ko mga mukha niyo, bakit ganun?" Lea said as she continued bursting out her laughters. Goodness, Lea Carmen.

"Maganda kasi ako." sagot ko dahilan upang tumigil silang dalawa sa pagtawa.

"Should I laugh.. Or what? You're joking, right?" pang-aasar ni Pops.

"Whatever!" sagot ko at inirapan silang dalawa. We're all busy eating our desserts. Tita Divine's already on their room. Nandito pa din kami sa kinauupuan namin kasama sina Sarah at Matteo.

"Movie night tayo!" anyaya ni Martin.

"Ngayon?" tanong ko. Tinignan niya ako ng masama at sumagot. Ano ba'ng sinabi kong masama?

"Bukas, Regina. Bukas ng umaga, night nga diba?" sarkastikong sagot niya kaya tinawanan ako ng mga kaibigan ko.

"Ayan! May gagawin ba kayo ngayong gabi ni Ariel, ha? Kagagaling lang ng tao sa sakit, Regine. Pagpahingahin mo naman!" sabi ni Lea. My goodness, Lea! Two points.

"God! Pakisabi nga sa akin kung bakit ko kayo ulit kaibigan?" biro ko.

"Dahil... maganda kami?" sagot nilang dalawa. I switched my face and shook my head.

"No. Definitely no." sagot ko. Tumawa lang kaming tatlo at nahinto lang ito nang magtanong muli si Martin.

"Ano na?"

"Oo na. Mamayang 9 pm. How about the kids?" I asked pertaining to Sarah and Matteo.

"Gaga! Anong kids? Pare parehas tayong adult dito. Unless, may nakikita kang hindi namin nakikita?" tanong ni Lea. Sabog ba 'tong kaibigan ko?

"Lea, I was pertaining to Sarah and Matteo. Aga, hindi ako magsisising itapon sa gitna ng dagat 'tong jowa mo kahit napakalakas na bagyo." sagot ko, tumawa lang si Aga sa sinabi ko kaya sinamaan siya ng tingin ni Lea.

"We're going to sleep early po, eh. Kayo nalang po siguro ang manood."

"Weh? May gagawin lang yata kayo, eh. Sars ha, malamig pa naman. Paalisin mo na kasi nanay mo sa kuwarto ninyo. 'Tong nanay mo talaga, kasal na kayo't lahat hindi pa din kayo tinatantanan, ano?" biro ko.

"Gusto magkaroon ng apo pero bantay sarado naman sa anak." dugtong pa ni Pops kaya mas natawa kami lalo na ang dalawa.

"Sige na po. Akyat na kami. Enjoy your movie night mga ate at kuya. Have a good night!" paalam nila. Hinawakan ni Matteo ang kamay ni Sarah at sabay na tumayo.

Ecstasy of the HeartWhere stories live. Discover now