XXXV

197 12 1
                                    

#EOTHSpecialCase

Chapter Writer: @cie_writes
Editor: @riyanejoy
Proofreader: @reallymargarett101

Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-

ARIEL.

Yesterday was exhausting. From a long, tiring drive back home, to an irascible conversation with Regine, and lastly, a non-sense talk with Gelli. Halos sumabog ang utak ko sa lahat ng nangyari kahapon, at yung batang inaasahan kong makapagpapawi ng nararamdaman ko, ayun, sinugod pa sa ospital. I hope she's ok now, maybe I'll visit her when I do have the time.

Patuloy na akong bumangon sa kinahihigaan ko. I still have this day for me to rest bago ako bumalik sa opisina bukas. Siguro I'll just lay on my bed all day since we just got back home from that two weeks short trip.

I walked outside my lanai and breathe in some fresh air.

"Ariel, hijo, nakahanda na ang almusal." paunang pabati sa akin ni Aling Meling. I literally don't want to eat. Gusto ko lang ng kape. Yung kapeng barako na pwedeng hatian ako ng tapang para ipaglaban si Regine ngayon.

Why am I so corny already? It's still 7 in the morning tho.

I chuckle at that thought.

"Aling Meling, kape na lang ho. Pakidala na lang rin dito." I said without even looking back at her. Narinig ko ang agad na pagsarado ng pinto, senyales na patuloy na nyang sinunod ang sinabi ko.

Naupo ako sa isa sa mga upuang nakapalibot sa coffee table sa lanai. Masarap magmuni-muni sa umaga, habang nagbibilad sa bagong sikat na araw.

Regine's words are still bugging my insides. How did she became so coward of not fighting for and with me at this time? Naging pansamantala lang pala yung kalinawan ng mga salitang binitawan namin sa isa't isa. All those flowery words, those sugar coatings, our 'I love yous', they were all false hopes. I thought she's ready. Akala ko masusubukan na naming bumalik muli sa dati. Pero tunay ngang maraming pwedeng mamatay sa maling akala.

I once again heard the my door creaked and footsteps coming over me. She placed the coffee plate and cup on top of the round table.

"Salamat po, Aling Meling."

"Mukhang... malalim ang iniisip natin ah. Tungkol ba yan kagabi?" she opened the conversation between the both of us. I let out a chuckle and slightly sipped some coffee.

Woah, ang tapang. Sana lahat.

"Hmm... I'll lie if I say it's not."

"Alam mo hijo, ito sa totoo lang ha at hindi ko intensyong masaktan ang damdamin mo pero... ang layo-layo niyang si Gelli sa dati mong nobya. Noon pa lang, iba yung ngiti mo kapag magkasama kayo't dinadala mo sya rito sa bahay. Magalang na, maganda at maaalalahanin pa yung batang yun."saad niya saka naupo sa kaharap kong silya.

"Si Regine po. But we do have the same feels, Aling Meling. I mean, don't get me wrong. Mahal ko po si Gelli, pero iba yung pagmamahal ko kay Regine. Sa kanya ko lang naranasang maging totoong masaya. Sa kanya ko naramdaman yung halaga ko. Sa kanya ko rin natutunang magmahal ng totoo. But I was so completely fool of letting her go, then. Maling mali pala yung naging desisyon ko noon." she was just carefully listening to every word that I'm saying. Magaling to makinig at mag-advice si Aling Meling, e.

Ecstasy of the HeartWhere stories live. Discover now